Anak nina Solenn at Nico na si Thylane nabinyagan na

Nabinyagan na si Thylane, ang mahigit dalawang taong gulang na anak ng celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

Sa Instagram, noong Sabado, Mayo 7, ay ibinahagi ni Nico ang isang maikling video na nagpapakitang karga-karga niya si Tili habang tumatanggap ng sakramento.

Sa tabi ay makikita ang kanyang misis na si Solenn pati na ang kaniyang hipag na si Anne Curtis at anak nitong si Dahlia.

“After 2 years and 4 months…” nakasaad sa caption ni Nico sa IG wall.

Umabot sa mahigit 146k likes ang video post at umani ng maraming pagbati at komento mula sa mga followers.

Finally #tilibolz..finally a Christian! Happy parents

Welcome to the Christian world Thylane Katana Bolzico! you’re wonderful.

Nagbahagi rin ng larawan si Solenn sa kanyang IG stories, “Welcome to the Christian world Thylane.”

Welcome to the Christian world, Tili!

Basahin: Solenn, Nico nagbahagi ng ‘no touching rule’ video: ‘How it is in bed after having kids’

Ibinahagi ng mag-asawa ang isang nakatutuwang video na nagpapakita ng realidad ng sitwasyon sa kama ng mag-asawa pagkatapos magkaroon ng anak.

Sa video, nagdu-dub ang mag-asawa na nagsasabing, “Touch that again, and I will kill you right now. Do not touch me! This is a no touching rule.”

Sa caption, inilarawan ni Solenn ang video bilang, “How it is in bed after having kids.”

Nagpatuloy ang video na makikitang sinusubukang yakapin ni Nico si Solenn.

Ipinagpatuloy din ng aktres ang pag-dub gamit ang audio na nagsasabing, “Oh my god! I cannot believe you reached the cross like that! I can’t even believe! Don’t cross this line!”

Sa comments section, tila naka-relate si Joyce Pring at tinag pa ang kanyang asawa, “HAHAHAHAHAHHAHA see it’s not just us Juancho.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

Post a Comment

Previous Post Next Post