Sinabi ng beteranong showbiz reporter na si Cristy Fermin na narinig niya na si Toni Gonzaga ay nakatakdang magkaroon ng mga upcoming shows sa network ni Manny Villar.
“Si Toni Gonzaga po, laging sinasabihan ng mga kalaban niya sa entablado de kampanya na wala na raw pong maaasahan si Toni Gonzaga mula sa ABS-CBN. Nagbitiw na siya bilang host ng Pinoy Big Brother. Naku, mukha po yatang mabibigo kayo. Ngayon pa lamang po ay balitang-balita na na dalawang programa po agad ang pagre-reynahan niya sa bagong network na bubuksan ni Manny Villar.”

Dagdag pa niya “Ngayon pa lang nakaplantilya na ang kanyang kinabukasan. Sabagay po, pana-panahon naman po ‘yan. Maaaring kawalan ang ilang bagay sa ating buhay, karagdagan naman dito sa kanan. Ganun naman ‘yon e, ‘di ba?”
“Kapag may nawala, may papalit, kapag may nagsarado ng pintuan, may nagbubukas ng bintana. At kung minsan buhos pa nga dahil bubong ang nagbubukas,” dugtong ni Fermin.
Ayon naman kay Romel, napakasuwerte ni Toni dahil hindi ito bumitiw at nanindigan na kahit wala na siyang kaibigan sa Kapamilya network ay wala na itong pakialam.

“Gusto ko ‘yung kaniyang stand bilang tahimik lang. Kasi alam niya na oras na sinagot niya ‘yung mga bashing manganganak nang manganganak ‘yun, hahaba nang hahaba, dadami pa rin ang mga isyu. Kaya mas maganda tahimik na lang at ‘yun ang pinakamagandang paraan ngayon para hindi na madugtungan pa ang mga kuwento-kuwento.”

Matatandaan namang nagpahayag ng pamamaalam si Toni sa PBB sa kaniyang Instagram at nagpasalamat din kay ‘Kuya’ sa 16 years na nagsilbi siya.
“From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya! Today I am stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy,” pahayag ni Toni.
Basahin: Toni Gonzaga nagpaalam na sa PBB
Panoorin.