Angel Locsin, nanawagan na manalangin para magabayan sa pagpili ng kandidato

Ibinahagi kamakailan ni Angel Locsin sa kaniyang social media account ang ilang bagong larawan niya na may mensahe para sa bayan.

Ibinahagi ng 37-year-old actress ang ilang photos kasama ang kanyang bagong profile picture. Sa napakarilag na mga larawan, nakasuot ng kulay pink si Angel habang naka-pose na may hawak pang mga rosas.

“New profile pic,” aniya sa kaniyag caption post.

“Look closely at your candidates then close your eyes and pray for guidance,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay nagbahagi si Angel tungkol sa pagkilos ng volunteerism ng mga tagasuporta ni Leni Robredo-Kiko Pangilinan.

Sa isang mahabang post, sinabi ng aktres na ito ang unang pagkakataon niyang masaksihan ang maraming tao na nagboluntaryo para sa bansa.

Pinuri rin niya ang mga boluntaryong umuuwi nang masaya sa kabila ng kanilang mga sakripisyo. Ipinahayag din ni Angel na ipinagmamalaki niyang maging bahagi ng “movement” na ito.

Proud na kaibilang sa isang movement na ang interes ng pangkahalatan ang isinusulong. Ngayon lang po ako naka-witness na napakaraming boluntaryong tumitindig! Hindi para sa isang tao, kundi para sa bayan at sa kapwa.”

“Mabuhay po ang mga volunteers na nag gugol ng maraming oras, nag-leave sa trabaho, bumili ng mga pink o kakampink shirts at paraphernalia, nabilad sa araw, naulanan, nagkapaltos sa haba ng nilakad —pero masayang umuuwi dahil naging parte tayo ng mga tumindig para sa bayan. Sa mga nagpatuloy po sa kanilang mga tahanan at lugar, maraming salamat po.”

Maraming netizens ang nagkomento at pumuri sa kaniyang bagong larawan.

“I take a thorough care of my body I am constantly massaged up In other words I cherish it.”

“Maraming salamat at sobrang na aappreciate kita @therealangellocsin.”

“Mabuhay! Next move is PRAYER POWER. Kung malakas ang kalaban, mas malakas ang panalangin. Prayer power is PEOPLE POWER!🇵🇭 prayer changes things…and people.”

Post a Comment

Previous Post Next Post