Angel Locsin sa kumakalat na info kaugnay sa 'Angat Buhay Foundation', 'sorry, not true po'

Ni-repost ni Angel Locsin sa kaniyang Instagram story ang impormasyong kumakalat sa social media patungkol sa “Angat Buhay Foundation.”

Sinabi ng aktres na hindi totoo ang mga impormasyong ito kaugnay sa nakatalang pangalan ng mga opisyal ng nasabing grupo. Aniya sa kanyang post, “Sorry this is not true po.”

Sa info ng screenshot na ibinahagi niya, makikita na mayroon nang mga pangalan ng mga opisyal ang nasabing foundation.

Kamakailan ay nagpahayag ang aktres ng isang appreciation post para sa kanyang asawa. Nag-upload rin siya ng mga larawan nilang dalawa habang ine-enjoy ang pool. Ipinahayag niya sa caption ang kanyang pasasalamat sa kanyang asawa na laging nasa tabi niya.

“Thank you for always being beside me @neil_arce”

Ibinahagi rin ng aktres sa Instagram ang kaniyang pagpunta sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem.

“Naipit man sa traffic ng apat na oras, masaya’t nakahabol sa thanksgiving rally. Thank you VP Leni for showing grace in defeat last night. A true leader indeed. Reminding us na isa sa mga ipinaglaban natin ay ang demokrasya. Magkaiba man tayo ng stand, we should honor democracy and listen to the majority bilang ka-isang bansa,” aniya.

Inaasahan naman ni Angel na mas magiging mahusay ang magiging president, VP at mga senator kaysa sa mga nakaraang leaders ng bansa.

“For our country’s sake, I’m rooting for our presumptive president, vice president, & senators. I’m hoping they’ll do better than our past leaders. I am a Filipino citizen hoping to be proven wrong. Masasabi ko hong ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo,” pahayag niya sa isang IG post.

“I understand na minsan mahirap, kaya kapag tingin ninyong kaya nyo na, ituloy ang “radikal na pagmamahal”. Otherwise, hanggang slogan lang pala tayo kung ganun. Despite everything, Saludo sa lahat ng tumindig. Hindi ko makakalimutan ang pagmamahal sa bayan na pinakita ninyo. Huwag hayaang mabalutan ng dilim ang liwanag na nasa puso ninyo. Ngayon, higit pa man, mas kailangan kayo ng bayan.

[Basahin: Angel Locsin says she’s rooting for next set of leaders]

Buksan ang inyong mga mata at puso para sa bayan. Kapag nalulumbay, pakinggan ang kantang “Rosas” at alalahain na hindi ka nagiisa. Karamay mo kami. Salamat Nica Del Rosario, nasambit mo ang nararamdam ko. Napakaganda ng iyong pag kanta at pagkasulat. Maraming salamat po uli VP Leni sa inspirasyon. Happy for you that you’ll finally get to rest and spend time with your family. Goodluck po sa Angat Buhay Foundation! Salamat at finally may “groufie” na ako sa mga kapatid ko! (Chos lang po)”

Post a Comment

Previous Post Next Post