Barbie at Diego nag-krus ang landas sa miting de avance sa Quezon City

Muling nagkita ang dating magkasintahan sa miting de avance ng isang local political party sa Quezon City.

Game na game naman na nag-asaran ang mag-ex na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga habang nasa stage sila sa rally ng Serbisyo sa Bayan Party.

Pagkatapos ng pagtatanghal ni Barbie,  makikita sa ipinost ni Anjo Bagaoisan sa Twitter ang video ng sandali sa comments section nang nagsimulang sumigaw ang mga tao ng pangalan ni Diego at isinisigaw ang ‘balikan’.

Pagkatapos, umakyat siya sa entablado at habang papalapit siya, hindi naiwasang napakilig ang mga dumalo.

“Sorry nanggulo ako, narinig ko lang kanta mo. Medyo naapektuhan ako sa backstage. Pero sige ituloy mo na. Go na, go na,” sabi ni Diego kay Barbie.

Pagbaba ni Diego ng stage, biniro ni Barbie si QC Mayor Joy Belmonte

“Uy wala ‘yon sa kontrata ko, Mayor Joy! Joke lang po. Shot puno!” pang-aasar ng aktres.

Samantala, nang tawagin muli si Diego sa entablado, sinabi nitong nandoon siya para suportahan ang kandidatura ng District 6 congressional candidate na si Ralph Tulfo, ang dati niyang kaklase.

Hindi raw niya inaasahan na doon niya makikita ang kanyang ex-girlfriend.

Pagkatapos ay ginawa niya ang acoustic ballad, “Ako’y Sa’yo, Ika’y Akin” bilang tugon umano sa performance ni Barbie ng Moonstar88’s Migraine.

Basahin: Diego Loyzaga nilinaw na friends sila ni Barbie, ‘Imposibleng hindi kami maging magkaibigan’

Kamakailan ay sinagot ng aktor sa isang panayam ng PikaPika ang tanong kung nagkabalikan na ba sila ni Barbie matapos kumalat ang ilang larawan nila na magkasama sa isang restawran.

Ibinunyag ng aktor na magkaibigan sila ni Barbie at binigyang-diin na matagal na silang nagkasama kaya naman medyo imposibleng hindi sila maging magkaibigan.

Ayon kay Diego, “We’re friends. We spent a very long time together. Imposibleng hindi kami maging magkaibigan.”

Sa parehong pagkakataon, ibinunyag din niya na ang isang bagay na pinapangarap niya ay ang makapasok sa Hollywood.

“Yeah, I mean that, I want to try Hollywood, subok lang, ‘di ba? Who knows? Pero I have contract with Viva (Films), so, I have to be back. Try natin. It’s still in my bucket list,” dagdag pa niya.

Basahin: Barbie Imperial kinumpirmang hiwalay na sila ni Diego Loyzaga

Post a Comment

Previous Post Next Post