Senator Leila De Lima nagpasalamat kay Manny Pacquiao: 'Nanawagan na siyang ako ay palayain na'

Nagpahayag si Senador Leila De Lima ng kaniyang pasasalamat kay Sen. Manny Pacquiao sa panawagan nito na palayain na ang senadora mula sa pagkakakulong.

Mahigit limang taon nang nakakulong si De Lima matapos kasuhan ng pagkakasangkot sa mga ilegal na droga.

“Nagpapasalamat ako kay Sen @MannyPacquiao, na pagkatapos ng mahigit 5 taon, ay nanawagan na s’yang ako ay palayain na,” aniya sa kaniyang Tweet.

Nanalangin din siya na patuloy na gabayan ng Diyos si Manny.

“May God continue to guide him.”

Nagpahayag din ng pag-asa si Sen. De Lima na marami pa ang maliliwanagan sa umano’y gawa-gawang kaso na isinampa laban sa kanya.

“Umaasa ako na marami pang maliliwanagan sa mga gawa-gawang kaso laban sa’kin, at ng iba pang mga bilanggong politikal. #Hustisya.”

Itinanggi ng senadora ang mga paratang laban sa kanya, at sinabing ang mga ito ay gawa-gawa umano ng ilang personalidad sa pulitika.

Maraming netizens naman ang ipinagdarasal na makalaya na si De Lima

“The truth will set you free Maam. Be strong and more patience. You’ll come out soon. Praying for you.”

“Ang aming panalangin po ay sanay palayain na po kayo Ma’am Senator Leila de Lima. May the Almighty Father bless you always po.”

“Don’t worry po @SenLeiladeLima makakalaya na po kayo kase wala po kayong kasalanan,Yung tao ngang 7x na nakasuhan ng graft hanggang ngayon laya pa kayo pa kayang inosente at walang ginawang kasalanan.”

Matatandaan naman na naghayag ng solidarity message sina Sharon Cuneta at VP Leni Robredo kaugnay sa pagpapalaya kay De Lima.

“We haven’t forgotten about you. Frankie and I adore you and pray for you, and you are so courageous and inspiring and you should not be in there,” ani Cuneta.

“Miss na miss ka na namin, Sen. Leila. Kasabay ng pagdarasal namin para sa iyong kalusugan at katatagan, patuloy naming igigiit ang katotohanang inosente ka,” ayon naman kay Robredo.

Basahin: Sharon Cuneta, VP Leni Robredo may solidarity message para kay Sen. Leila de Lima

Post a Comment

Previous Post Next Post