Nitong Mayo 1 ay matapang na hinamong muli ng influencer na si Jam Magno ang Bise Presidente na si Leni Robredo sa isang debate.
Matatandaan na unang hinamon ng influencer ang VP noong Abril 30.
“I CHALLENGE MRS. LENI ROBREDO FOR A 1 ON 1 DEBATE. Anytime, anywhere. Pure English tayo ma-dumb ah. ‘Di raw ako babayaran ni Imee pag Tagalog. Kaya nga English ‘yung tweet na ito,” aniya.

Nag-react kasi ang retiradong Comelec Commissioner na si Rowena Guanzon sa pamamagitan ng kaniyang Tweet noong Abril 30. kalakip ang tweet ni Jam.
Aniya, “I will debate with her in English. Bawat wrong grammar isang suntok.”
“Jam magnaw, let’s debate in English. Prepare your jaw,” dagdag pa niya sa isang tweet.
Sa pangalawang hamon ni Jam sa VP ay may mensahe din ito kay Rowena.

Aniya, “Hinahamon ko si Ginang Leni Robredo sa isang debate. Kahit saan, kahit kailan. Oh ayan tagalog na ‘yan ah, ang baba kasi ng comprehension ng mga Kakampangets. To Buangzon, hindi ako pumapatol sa PWD kaya pa-admit ka na sa Mandaluyong para gumaling ka na.”
Kamakailan lamang ay nagpahayag si Jam sa kaniyang Twitter kaugnay sa sinabi ng Pasig Mayor na si Vico Sotto hinggil sa paggastos umano nang malaki sa kampanya.

“Kaya pala galit na galit ang mga Kakampwets kay Vico Sotto kasi pinaringgan pala nito si Leni sa laki ng ginastos nito sa kampanya. Si Leni kasi ‘yung top spender with 1 Trillion Pesos. Binenta na ata ‘yung naharang na 3,500 Metric Tons ng Ginto na pinuslit ng mga Dilawan,” aniya.
Hindi naman napigilang mag-react ng komedyanteng si Ogie Diaz at deretsahang sinabi na bumisita na si Jam sa kaniyang Psychiatrist.
“Dapat dito ke ate gurl, bumisita na sa kanyang psychiatrist. Alam ko me pinagdadaanan siya mentally. Sinusumpong na naman,” aniya sa kaniyang Tweet.