Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang aktres na si Kim Chiu sa naging resulta ng naganap na halalan noong, Mayo 9.
Sa IG My Day stories ipinost ng aktres ang kanyang saloobin kaugnay sa lumabas na resulta ng nagdaang eleksyon.
“Still I cannot believe how did it happen. I’m sure all of you saw the videos and pictures and news about what happened on the election day,” ani Kim.

“Yet parang ginawa tayong bulag. How did it happen? Why is this happening? How did we let it happen? Do we even deserve this?” patuloy na tanong ng aktres.
Gayunman, sinabi niyang proud pa rin siya sa kaniyang pagtindig at malinis umano ang konsensya niya.
“Basta ako proud akong tumindig at malinis ang konsenya ko,” anang aktres.

Sa ibinahaging Instagram story, si Kim ay nagbigay ng mensahe para kay Vice President Leni Robredo.
“I am with you ma’am. We are all with you. I know you are tired, tao lang po kayo. ang dami nang tumatakbo sa isip nyo yet you are not giving up for all of us. Yung pag asa at lakas ng loob na binibigay nyo sa amin. Sobra po.
Napaka strong nyo po. Mahal namin kayo maam. Proud kaming tumindig para sayo at para sa pag-asa na makakamtan sana ng Pilipinas,” saad ni Kim kalakip ang candid shot ni Robredo sa kaniyang thanksgiving gathering.

Noong Mayo 13, Biyernes, ay ginanap ang pahayag ni VP Leni sa Ateneo de Manila University; ang event na ‘Tayo ang Liwanag, Isang Pasasalamat’ na dinaluhan ng maraming supporters.
Basahin: Kim Chiu na-curious kung bakit si spox Atty. Vic Rodriguez ang laging sumasagot sa tanong kay BBM
Basahin: Kim Chiu hinangaan sa kanyang speech, ‘pagtindig’ sa grand rally ng Leni-Kiko sa Cebu