“It has been my greatest honor to have fight this battle with you”. Ito ang tugon ni VP Leni Robredo kay Sen Kiko Pangilinan.
Ito’y matapos magpahayag ni Sen. Kiko sa kaniyang Twitter account kung gaano niya ikinararangal na lumaban kasama si VP Leni at maging katuwang nito noong kampanya.
Nagpasalamat siya kay VP Leni sa pagtitiwala sa kanya at idinagdag na ang pakikibaka para sa paggawa ng tunay na pagbabagong panlipunan ay hindi lang matatapos sa halalan.
“Isang karangalan VP Leni ang manindigan at maging kasangga ninyo sa ating kampanya. Maraming salamat sa inyong tiwala. The struggle, for genuine social transformation does not end with the elections,” aniya sa kaniyang Tweet.

“Tuloy ang laban,” dagdag pa niya.
Sa pagtugon sa senador, sinabi ni VP Leni na pinakamalaking karangalan niya ang lumaban kasama ang senador.
“It has been my greatest honor to have fight this battle with you, Sen. Kiko Pangilinan,” ani VP.
Samantala, nagpahayag din si Jake Ejercito, anak ng dating Pangulong Erap Estrada, ng makabuluhang post na pampatibay-loob sa publiko, lalo na sa mga Kakampinks sa kaniyang Twitter. Nilakipan niya ito ng apat na larawan na nagpapakita ng pagmamahal at suporta niya kay VP Leni.

“Itutuloy na10 to,” aniya na may heart emoji.
Sa mga larawan ay makikita ang mural nina VP Leni at Sen. Kiko at may random na mga taong gumagawa ng “L” sign.
Kabilang si Jake sa mga celebrity na nagpunta sa kampanya para kay VP Leni. Kasama siya sa mga rally at tumulong din siya sa house to house campaigns.

Papunta na ngayon sa New York sina VP Leni at ang kanyang tatlong anak kung saan dadalo ang mga ito sa graduation ni Jillian.
“We will be gone for a few days just to spend time with family and take a well-deserved rest before all of us restart the lives we put on hold,” aniya sa kaniyang Facebook post.
Basahin: VP Leni Robredo to attend daughter’s graduation; assures smooth turnover to successor