Bumaling ang komedyante na si Pokwang sa kanyang Twitter at sinabing sa wakas ay tanggap na niya ang resulta ng halalan.
Gayunpaman, hiling din niya na sana ay mabayaran na siya ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak na tagasuporta ng ‘bmm’ na nanghiram sa kanya. (BBM)
“Ok tapos na eleksyon tanggap tanggap na rin ganon talaga… pero sana ‘yung mga bmm na kamag-anak at friends na nangutang sa akin bayad-bayad na rin ha ok?” ani Pokwang.

Sinabi ng komedyante na kahit papaano ay natapos na ang kanilang ipinaglalaban, at ang magkabilang panig ay nagsabi ng “bad things” laban sa kani-kanilang sinusuportahang kandidato.
Ayon pa sa aktres, “tapos na mga pinaglalaban natin pare-parehong nagsalita ng ‘di maganda sa mga kandidato natin kaya wag magmalinis ha.”
Kabilang si Pokwang sa matapang na lumaban para kay VP Leni, lalo na sa pagharap sa mga troll sa social media.
Basahin: Pokwang may panawagan hinggil sa mga kandidatong nagbabayad ng artista para sila iendorso

“Babawiin din nila iyan,” ito ang babala ng komedyante hinggil sa mga kandidatong nagbabayad ng mga artista para iendorso sila ng mga ito.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, pinaalalahanan ni Pokwang ang mga botante na maging maingat sa mga kandidatong nagbabayad ng mga artista para ikampanya sila. Aniya, tiyak na babawiin din ng mga ito ang ibinayad sa mga kilalang personalidad kapag nagkataong sila ang nailuklok sa puwesto.

“Tandaan n’yo, lahat ng ibinayad ng kandidato n’yo sa mga artistang ‘yan ay babawiin din n’ya ‘yan sa sarili n’yong pawis!” saad ng aktres. “Maglalabas ng ganoon kalaking pera nang walang kapalit?”
“Kaya sa libre na lang ako at boluntaryo kasi alam mong malinis ang hangarin at ‘di ako umaasa ng kapalit na posisyon,” wika ni Pokwang, na hindi naman pinangalanan ang mga artistang tinutukoy niya at kung sinong kandidato ang ineendorso ng mga ito.