Kiray sa kasintahang si Stephan: 'Walang kailangan pagselosan kasi never ipararamdam na may kahati ka'

Kampante raw ang aktres na si Kiray Celis sa kanyang kasintahang si Stephan Estopia at hindi rin nagseselos sa kahit sinong babae dahil sa kapanatagan na ipinadarama nito sa kanya.

kiray stephan

Sa Facebook, ibinahagi ni Kiray sa kanyang followers ang post ni Stephan kung saan inilakip nito sa mga larawang kasama siya ang caption na, “May tamang panahon sa tamang tao, na may dala ng tamang pag-ibig.”

Ani Kiray, “Ano nga bang sikreto sa relasyong tumatagal? Walang kailangan pagselosan kasi never niya ipaparamdam sayo na may kahati ka.”

kiray stephan

[RELATED: Kiray: Loyal lang hiniling ko pero binigyan ako ng may pa-iPhone 13 at Louis Vuitton]

Matatandaang ilang beses na ring ipinahayag ni Kiray kung gaano niya ipinagpapasalamat ang kasintahan niya. Simple lang daw ang hiniling at pinangarap niya: isang lalaki na magiging loyal at walang ibang mamahalin maliban sa kanya. Ngunit ang dumating, higit pa sa kanyang inakala. Bukod sa pagmamahal, talaga namang nag-e-effort din ang kasintahan niya upang bigyan siya ng mga regalo at materyal na bagay magdadagdag pa ng saya.

“Loyal na lalaki lang hiniling ko. Pero binigyan N’yo ‘ko ng lalaking may pa-iPhone 13 na, may pa LV (Louis Vuitton) pa! Huhuhuhu! Christmas gift na raw niya sa’kin. HAHAHAHAHAHA! I love you, Stephan Estopia!” saad niya sa caption ng post na ibinahagi niya.

Pero paglilinaw ni Kiray sa isang post, bagama’t mahal ang mga natatanggap niyang regalo mula sa kasintahan ay hindi naman sa mga ito nakasentro ang kanilang relasyon.

“‘Hindi naman nababase ang pagmamahal sa regalo.’ ‘Hindi naman porket binilhan ka ng mamahaling gamit, hindi ka na lolokohin.’ ‘Hindi binili ng jowa n’ya ‘yan, pera ni kiray ‘yan.’ Ilang lang ‘yan sa mga narinig namin pero nakakatawang basahin at pakinggan,” wika niya.

kiray stephan

“Yes! Masyadong mahal tong LV na sandals at iPhone 13 para iregalo ni Stephan Estopia. Halos pasok lang sa sweldo niya sa stream at sa endorsements na ginawa niya. Pero hindi ‘yon naging hadlang para hindi niya raw maibigay lahat ng gusto ko. Kaya nagpapasalamat ako,” dagdag pa ng aktres.

Masaya rin daw siya dahil noon pa man ay pamilya na ang prioridad niya at madalas ay nakalilimutan na niya ang mga pansariling nais.

Post a Comment

Previous Post Next Post