Matapos ang Halalan 2022, kinumpirma ng joint congressional canvassing committee na si Ferdinand Marcos ang nanalo sa pagkapangulo sa pamamagitan ng may 31,629,783 boto, o higit sa 16 milyong boto na lamang sa second placer presidential candidate na si Leni Robredo.
Si Sara Duterte, sa kabilang banda, ay nanalo rin sa pagka-bise presidente sa opisyal na bilang ng Kongreso na may 32,208,417 boto, o isang malaking margin na 22 milyon sa kanyang pinakamalapit na karibal na si Senator Francis Pangilinan.

Sa isang tweet noong Mayo 29, 2022 naman ng komedyante, aktor at songwriter na si Joey de Leon ay may hatid itong pakwela tungkol sa pagkapanalo sa halalan ng BBM-Sara tandem. Biro nito:
“Bakit si BBM Presidente ngayon? Kasi after DU30, ‘yung may 31 naman! After that, DU30 TOO! Gets?” ani Joey.
Inulan ito ng samu’t saring komento at reaksyon mula sa mga netizens. May mga nainis at may ilan din namang humanga sa pagiging ‘witty’ umano ng komedyante.
“Yes pag tapos ni DU30 Yung MAY 31 votes naman na si BBM after that ‘yung si INDAY SARA naman na may DU30 TOO! votes.”

“Unfollow ko na ‘yan..halata eh.”
“‘Di nakakatawa ang joke na ‘yan, sir. May galit ba kayo sa Pilipinas? Laspag na laspag na ang Inang Bayan, maawa naman kayo.”
“Nako sir tahan muna baka ma cancel ka dami pa di naka move on” 🙂
“31M na Pilipinong bumoto kay BBM, kaya ‘yung mayroong 31 naman daw. Then after nun ‘yung DU32 kasi, 32M nakuhang votes ni VP Inday Sara.”
“Du30 – PRRD. 31 – for 31M voters ni BBM. DU30 too – kasi after BBM inday sara DU30 ulit yung president . Haha ewan ko ayun pagkakaintindi ko.”
“Super BRILLIANT ka talaga Idol,.. I am happy na marami tayong may malasakit sa Bayang Pilipino,..you never cease to amaze us, Kudos po Sir Joey De Leon Sir!”
Sa kanyang latest tweet, aniya naman, “Bakit Ba Magkatunog (BBM) ang SURVEY at SORBET (pronounced SORBEY ng mga Pranses) pero sa Tagalog ang basa ay SOR-BET. Tinatawag din itong SHERBET na katunog naman ng SURE BET.
“Therefore, kung ano ang SURVEY ‘yun ang SURE BET! Gets?” dagdag pa niya.
Nauna naman niya itong ipinaliwanag sa kanyang Instagram post.
