Separada pero kinakaya. Ganyan ang impresyon na naiparating ni Kylie sa kanyang mga followers sa Instagram sa kanyang pamamasyal post. Life goes on, ‘ika nga.
Mahirap para sa isang single mom na alagaang mag-isa ang kaniyang mga anak dahil maliban sa pag-aalaga ay sila na rin ang tumatayo bilang ama na haligi ng tahanan.
Naantig ni Kylie Padilla ang puso ng kanyang followers sa isa sa mga latest post niya sa Instagram.
Sa larawan at maikling video na in-upload niya, makikita na kasama niya ang kanyang dalawang anak habang sila ay namamasyal sa loob ng mall.

Bukod dito, maraming netizens ang nag-react sa post ni Kylie. Naantig sila nang makitang ginagawa ito ni Kylie nang mag-isa, na tiyak na hindi madali para sa isang single mom.
Tinawag pa nga siya ng marami sa mga nagkomento na “super mom” dahil hinahangaan siya sa pagiging matatag at independent na ina.
“This is how Independent Solo Parent stand firm, capable of holding our worlds with grit.”
“Beautiful and strong woman. Truly they can’t put a good woman down.”

“We’re so proud of the WoMom you’ve become. May God bless you and your adorable sons.”
“Naghihirap ‘yung nanay samantalang ‘yung iba sarap buhay lang. I admire you Kylie.”
Samantala, sa kanyang larawan kamakailan ay nakasuot siya ng isang earth-toned printed mesh top.
Tamang-tama naman ang kanyang light make-up sa kanyang simpleng hitsura.
Nilagyan niya ito ng caption na, “Earth.”

Gaya ng inaasahan, nagkomento ang kanyang mga followers kung gaano siya kaganda sa kanyang mga snaps.
Matatandaan naman na nakaranas ng anxiety attack si Kylie noong siya ay nasa set.
Naging malaking tulong din sa kaniya ang asong si Nami na lumapit sa kaniya na tila naiintindihan ang kaniyang nararamdaman.
“Little Nami came up to me and gave me a cuddle. I think naramdaman niyang ‘di ako okay. We cuddled for a bit. Humiga na ako sa tabi niya. I needed this moment. In love na talaga sa aso na ‘to. Canine therapy is real.”
Basahin: Kylie Padilla tinulungan ng canine therapy nang makaranas ng anxièty atá¹ack sa set