Mike Enriquez sa mga nanalong kandidato: 'Kayong mga nanalo, tandaan ninyo, magbabantay kami'

“Kayong mga nanalo, tandaan ninyo, magbabantay kami.”

Nagpahayag si Mike Enriquez ng paalala sa mga nanalong kandidato sa 2022 national elections na diumano’y babantayan sila ng publiko.

Ang mensahe ng beteranong broadcaster sa mga nangungunang kandidato sa halalan ay mapapanood sa kanyang pangwakas na pahayag sa GMA news segment na “Balitanghali Express,” na napapanood sa YouTube channel noong Mayo 10.

“Mga Kapuso, binantayan po natin ang kampanya, ang botohan, ang bilangan, ngayon hindi pa tapos. Babantayan po natin ‘yung mga nanalo. Kayong mga nanalo, tandaan ninyo, magbabantay kami,” ani Mike.

Pinuri naman ng mga netizens ang mensahe ni Mike nang pumutok ito sa social media, partikular na sa Twitter.

“Mike Enriquez is my Mood rn.”

“My full respect for Mr. Mike Enriquez for leaving a message na kayong mga nanalo, babantayan namin kato. [To those of you who won, keep this in mind, we will keep an eye on you].’ No matter what happens, we will support our Filipino journalists who are fighting for the truth!!”

Nakatawag  din ng atensyon ng netizens ang mga kapwa anchor ni Mike na sina Mel Tiangco at Jessica Soho.

Sa parehong segment, sinabi ni Jessica ang linyang “walang kinikilingan”, at pagkatapos, imbis na sabihin ni Mel ang linyang, “walang kasinungalingan”, ang isinunod nito ay ang linyang “walang pinoprotektahan”.  Hindi naiwasang isipin ng ilang netizens na sinadya ito.

Naghatid ng balik-tanaw ang segment na ito sa ilang netizens.

“The rally in Intramuros is where the People Power Begins, Journalist: Karen Davila, Pia Hontiveros, Jessica Soho, Vicky Morales, Mel Tiangco, and Mike Enriquez are together with us, having and giving hope, fighting against the unfair system of this Election.”

 

“Mel Tiangco, Mike Enriquez, I have watched you both for 10 years in 24 oras with my lolo who passed away last 2018. To see you both being brave on TV is the first time I’ve seen anything like it. You are an inspiration to journalists everywhere.”

As of 3:08 p.m. Mayo 12, sa partial at unofficial na mga resulta mula sa transparency server ng Comelec ay makikita na si Ferdinand “Bongbong” Marcos pa rin ang nangunguna sa pagkapangulo na may 31,035,780 boto laban sa pangalawang pinakamalakas na kalaban na si Vice President Leni Robredo na 14,789,892.

Post a Comment

Previous Post Next Post