Isinapubliko ni Rayver Cruz ang totoong status ng kanyang damdamin sa pamamagitan ng mensaheng ibinigay niya sa ika-28th birthday ng singer-actress na si Julie Anne San Jose.
Inihayag ng aktor ang kanyang damdamin sa isang pagbati sa pagdiriwang ng kaarawan ni Juie Anne, na makikita sa Instagram page ng Sparkle GMA Artist Center noong, Mayo 16.
“‘Mahal kita’ #RayverCruz gives a sweet birthday message to Asia’s Limitless Star #JulieAnneSanJose! #JulieInBloom,” ayon sa page ng Sparkle.

“Gusto ko lang sabihin how much I appreciate you, Juls. Maraming-maraming salamat sa lahat kasi blessing ka sa lahat ng tao, blessing ka for me,” sabi pa niya. “You inspire everyone, especially me.”
Nagpahayag din ng pasasalamat ang aktor-dancer sa pamilya ni Julie Anne na pinapayagan siyang bumisita sa tahanan ng singer.
“Gusto ko magpasalamat sa ‘yo and sa family mo, thank you po tito, tita, sa mga kapatid kasi nakikita naman ng lahat na bumibisita ako sa inyo,” anito.
Marami naman ang kinilig at natuwa sa mensahe ni Rayver.

“Nandito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal. Kapag ready ka na at kapag OK na kay tito and tita, palagi lang akong nandito. Mahal kita. Happy birthday,” wika ni Rayver na kinakiligan naman ng mga dumalo.
Pagkatapos ng kanyang mensahe, binigyan ni Rayver si Julie Anne ng isang bouquet ng bulaklak at niyakap rin naman ang birthday celebrant pagkatapos.
Nagsimula ang mga espekulasyon tungkol sa kanilang pag-iibigan matapos umanong maghiwalay ng aktor at ni Janine Gutierrez noong Nobyembre ng nakaraang taon.
View this post on Instagram
Walang inilabas na opisyal na pahayag ang dating magkasintahan, ngunit nilinaw ng aktor noong Pebrero na walang third party na sangkot sa kanilang breakup at naka-move on na siya sa nasabing hiwalayan.
“Kinaklaro ko po na there was no third party involved especially from my end,” ani Rayver.

“In time, magiging okay na ang lahat. Okay na ’ko… Naka-move on na ’ko. 2022 na so masasabi ko na naka-move on na ’ko and I’m happy,” sabi niya kay Nelson Canlas.