Robin Padilla nagpasalamat, napa-'Wonderful Tonight' nang matanggap ang Cert of Proclamation

Nagpasalamat ang aktor na si Robin Padilla noong Miyerkules sa mga botanteng Pilipino sa pagbabalik ng isang Muslim sa Senado, na ngayon ay senator-elect

Sinabi ni Padilla, na nakakuha ng pinakamaraming boto para sa senador sa Halalan 2022, na ang kanyang panalo ay simbolo ng pagkakaisa ng mga Kristiyano at Muslim sa bansa.

“Ang akin pong pagkapanalo ay isa pong simbulo ng pagkakaisa ng mga Muslim at Kristiyano. Sa loob po ng matagal na panahon, halos umabot po ng 30 taon, wala pong Muslim ang naging senador na,” saad ni Padilla.

“Ako po’y nakiusap na sana mabigyan ninyo ng pagklakataon ang inyong mga kapatid na mabigyan ng representasyon sa Senado,” dagdag pa niya.

Tinapos ni Padilla ang kanyang talumpati sa pamamagitan ng linya mula sa hit song ni Eric Clapton, na inawit niya sa mga rally noong panahon ng kampanya; ang Wonderful Tonight.

“Bilang panghuling salita po, dahil dalawang minute lang ‘to, gusto ko pong malaman n’yo na it’s late in the evening. I feel wonderful tonight. Maraming salamat po,” sabi ni Padilla na pinalakpakan naman ng mga tao sa naganap na event.

Basahin: Nakatoma? Netizens nag-react sa pagharana ni Robin Padilla sa mga beauty pageant candidates

Nanguna si Padilla sa pagka-senador nitong nagdaang 2022 national at local elections at nakakuha ng 26,612,434 na boto batay sa pinakahuling partial at official vote count ng National Board of Canvassers.

Malugod na tinanggap ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson Saidamen Pangarungan, na nagbigay kay Padilla ng kanyang Certificate of Proclamation, ang tagumpay ng bagong senador-elect.

“As a Muslim brother, we share a common advocacy in safeguarding the welfare of every Filipino, including the underprivileged and the marginalized and our Muslim population,” ani Pangarungan.

“I am proud that prior to entering politics, he’s always ready to provide much needed help to a sector as vulnerable as ours,” dagdag pa niya.

Bukod sa aktor, nakapasok din sa “Magic 12” ang mga sumusunod na senatoriables:

    • Loren Legarda – 24,264,969 votes
    • Raffy Tulfo – 23,396,954 votes
    • Sherwin Gatchalian – 20,602,655 votes
    • Francis “Chiz” Escudero – 20,271,458 votes
    • Mark Villar – 19,475,592 votes
    • Alan Cayetano – 19,295,314 votes
    • Miguel Zubiri – 18,734,336 votes
    • Joel Villanueva – 18,486,034 votes
    • JV Ejercito – 15,841,858 votes
    • Senator Risa Hontiveros – 15,420,807 votes
    • Jinggoy Estrada – 15,108,625 votes

Kasama sa iba pang opisyal na dumalo sa proklamasyon sina Senators Bong Go, Pia Cayetano, Cynthia Villar, at asawa at dating Senate President Manny Villar.

Ang asawa ni Escudero na si Heart Evangelista, gayundin ang girlfriend ni Gatchalian na si Bianca Manalo, ay dumalo rin sa event.

Post a Comment

Previous Post Next Post