Shaina Magdayao, isang kakampink: 'Gusto ko ng bukas na kulay rosas'

Ibinahagi ni Shaina Magdayao nitong Mayo 3 sa kaniyang Instagram account ang kanyang suporta sa presidential bet na si Vice President Leni Robredo.

Nag-post ang aktres ng larawan niya na may nakalagay na pink na bulaklak, kilalang simbolo ng kampanya ni Robredo, sa kanyangpunong tainga.

“Ako si Shaina Magdayao. Pilipino. Taxpayer. At gusto ko ng bukas na kulay rosas,” aniya sa kaniyang caption sa post.

Kasama na ngayon ni Shaina ang mga tulad nina Vice Ganda, Piolo Pascual, Regine Velasquez, Anne Curtis, Kathryn Bernardo, at Nadine Lustre, bukod sa iba pa, bilang mga celebrity na nagpahayag ng kanilang suporta kay Robredo.

Maraming netizens ang nagpasalamat at natuwa dahil sa pagsuporta ni Shaina kay VP Leni.

“I am so happy! I’ve prayed for so many days waiting for this post. Salamat sa pagtindig! Kasama mo ako sa paglalakbay sa bukas na kulay rosas.”

“‘Di mo alam kung gaano ako napasaya nung pinost mo to.”

“Sabay sabay tayo sa pag tindig Shai!”

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang sa Baguio ang 13th kaarawan ng kaniyang pamangkin na si Ceana. Magkakasama ang magkakapamilya sa selebrasyon kabilang ang aktres na si Vina Morales.

“Week long celebration in Baguio with the family for my youngest niece’s 13th birthday,” aniya sa kaniyang caption post.

“Thank you, Lord for moments full of laughter and love. Missing Gabriel and my sister Sheryl, niece Sofia and nephew Shawn who are all in SF. I love you, my mini me (she looks like Tati more than her Mom) Tati will always have your back! I love you, Ceanapot. Special thanks to our Baguio based event specialists for making this celebration extra beautiful and special,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, bahagi siya ng hit Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Unang lumabas si Shaina sa serye noong Pebrero 2020, bilang si Police Major Roxanne Opeña, na itinalaga para makatuwang ng karakter ng bidang si Coco Martin na si Cardo Dalisay at ang Task Force Agila sa isang misyon.

Post a Comment

Previous Post Next Post