Sharon Cuneta, manonood ng K-Pop matapos ang sunod-sunod na heartbreak

Matapos ang sunod-sunod na heartbreak na naramdaman ni Megastar  Sharon Cuneta ay ibinahagi niya na manonood siya ng konsyerto ng paborito niyang K-Pop artists.

Kamakailan ay natalo ang kanyang mister na si Senador Kiko Pangilinan at sumunod naman na kanyang ikinalungkot ay ang pagpanaw ng kaniyang make-up, stylist at kaibigang si Fanny Serrano.

Sa kanyang Instagram post noong Mayo 18, “I’ve been waiting for years. Just what I needed to ease the pain of heartbreak.”

Basahin: Sharon Cuneta, hiling ang respeto, pagmamahal at pag-unawa

Hindi maitatanggi na ang aktres ay isa sa mga Pilipinong hibang sa K-Pop.

Samantala, noong Abril na kasagsagan ng pangangampanya  ng grupo nina Kiko at VP Lenie Robredo, nawindang si Shawie nang makatanggap mula sa tagahanga ng isang photocard ni Mark Lee ng NCT 127.

“Ms. Sharon’s reaction when kakampinks gave her a Mark Lee and a Mina pc,” ayon sa tweet ni Matt sa Twitter.

“This is…oh my God, it’s Mark Lee! Thank you so much!” bulalas ni Sharon. Kaagad naman niyang inawit ang ‘Favorite’ ng NCT 127 na ikinasiya naman ng mga pumuntang Kakampinks sa rally.

Mas natuwa ang aktres nang may matanggap at nag-abot sa kaniya ng photocard ni Mina ng ‘Twice.’

Basahin: Sharon nagpasalamat sa team Kiko, ‘Masaya kami kahit malungkot para sa bayan’

Masayang ibinahagi ng aktres-singer  ang pagpapasalamat sa Team Kiko sa kanyang social media account.

Sa IG ng Megastar ay makikita ang video ng kasiyahan na nirepost mula sa IG ng ‘@megatitas’ o Sharon Cuneta Titas nang magdaos sila ng munting pagtitipon bilang Thanksgiving event noong Mayo 13.

“Kagabi. Sa aming pagpapasalamat sa Team Kiko at mga kaibigang artista at hindi na walang humpay na tumulong sa laban namin sa nakaraang kampanya,” ayon sa post ni Shawie.

Wika pa ng Megastar, “Masaya kami kahit malungkot para sa bayan at sa mga nagkaroon ng pag-asang maging kulay rosas ang bukas natin, dahil ang boto namin ay nasa right side ng history!”

Post a Comment

Previous Post Next Post