Ama bitbit ang standee ng yumaong anak habang tinatanggap ang diploma nito

Matapos ang lahat ng sakripisyo ng mga magulang para lamang may maitustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak, napakasaya talaga kapag umabot sa pagtatapos o graduation ang iyong minamahal na anak. Ngunit mas napakasakit kapag isang araw ay bigla na lamang ‘namaalam’  ang anak sa hindi inaasahang pagkakataon.

Ibinahagi ng isang netizen ang isang video sa Tiktok kung saan ay dumalo umano ito sa graduation ng kanyang first cousin at nakita niya ang isang ama na may dalang standee ng kanyang anak.

Makikita ang dapat sana’y masayang pagtatapos ng mga estudyante sa Marvelous College of Technology Inc.. Kaya lamang ay nabalutan ng lungkot ang isang bahagi ng graduation ceremony sa Koronadal City dahil nga sa isang ama na naglakad patungo sa stage habang bitbit ang standee ng kanyang anak na napag-alamang si Mark Sanchez upang abutin ang diploma nito.

Ayon sa DXOM Radyo Bida Koronadal City hindi na nagawang dumalo ni Mark sa graduation nila pagkat binawian na ito ng buhay dahil sa cardiac arrest. Magtatapos na sana siya sa kursong AB-English.

Bumuhos ang komento sa video na ibinahagi ni Alvy. Naalala ng ibang online users ang ganoon ding pangyayari sa kanilang kakilala at kaibigan. Ilang netizens ang nagbahagi ng kanilang saloobin kaugnay sa parehong nangyari kay Mark.

 

Bago binawian ng buhay ang estudyante ay nakapag-post pa ito sa kanyang Facebook account noong Abril 14, 2022 hinggil sa solicitation para sa kanyang pag-graduate.

“Hello everyone, I am Mark Sanchez, fourth-year BA English Student from Marvelous College of technology Inc.”

 

“Graduation is a dream come true to everyone it is a meaningful and memorable celebration that pays each students’ hard works and sacrifices. This year it is not the end of my journey as a student but it is a new chapter of my life to face new challenges. Hence, as one of the graduating class of year 2022, I am knocking your kind hearts to solicit your generosity as one of my benefactors to address our financial needs in making our graduation into reality. Any amount will be gratefully accepted. God bless us all,” ani Mark.

Panoorin.

@alvy_lsad🥺♬ original sound – sorryetolangako – Jesusa🎸🌄

Post a Comment

Previous Post Next Post