Masarap talaga sa pakiramdam kapag alam mong naaalala ka ng mga anak mo.
Ibinahagi ni JL Quiambao sa social media ang nakatutuwang reaksyon ng kanyang ama nang regaluhan niya ito ng iPhone 12.
Ayon kay JL ang kanyang ama ay isang OFW sa Saudi nang halos 15 taon kung saan ay nagtatrabaho ito bilang isang ATM technician.
Sa loob ng mga taon na ‘yun ay wala umanong pagkakataon na sinurpresa nila ito o nabigyan ng regalo. Bihira din umano umuwi ang kanilang ama.

Mas priority ng kanyang ama na bumili ng bagong gadgets para sa kanyang pamilya. Pinagtitiyagaan nito ang gamit na lumang iPhone 6.
Kaya naman nagpasya si JL na surpresahin nila ang kanyang ama ng isang bagong-bagong iPhone 12, ilang araw bago ang Father’s Day.
Si daddy Joey na taga-Mandaluyong City ay walang ideya na may surpresa pala ang kanyang mga anak para sa kanya.
Akala niya ay kakain lamang sila sa isang foodcourt ngunit si JL, ang kanyang anak na babae, ay may binili palang espesyal na regalo para sa kanya.

Sa panayam ng Philippine Star, inaya umano nina JL ang kanyang ama sa isang foodcourt.
“Inaya lang po namin siya kumain sa foodcourt ng isang mall, sinabi ko lang na magre-restroom lang ako saglit para may time para bilhin ‘yung iPhone,” ani JL.
“Then lumabas po siya para may kuhanin, dun po namin naisip na itago na lang sa bag niya para pag-open niya, ma-surprise,” dagdag pa niya.
Nang buksan ng ama ang kanyang bag, napansin niya ang isang kahon sa loob, na ang laman ay isang bagong iPhone 12
Laking gulat naman ni Daddy Joey sa regalo ng kanyang anak at sinigurado pa kung sa kanya ba talaga iyon.

Sobrang nagustuhan naman ng ama ang natanggap niyang regalo mula sa anak na babae. Aniya ay gustong gusto raw niya nito.
“Even if he was in Saudi, thousands of miles away from us, he did not make us feel na malayo siya. We always talk over the phone, video call. And he’s a very positive thinker, he always motivate us, very funny, and of course a good provider para sa family namin.”
“My father might have missed half of our lives, sa mga anak niya, he wasn’t here during our graduations, birthday or even Christmas, but he never missed a chance to greet us,” madamdaming paglalahad nito sa feature ng PhilStar. Nai-feature din sa PTV at 102.5 Brigada News FM CdeO ang heatwarming story ng mag-aama.
Marami ang naantig at naisip rin ang kani-kanilang ama sa espesyal na kuwentong ito.
Panoorin: