Ice Seguerra, ibinahagi ang kanyang malaking pagkakamali bilang isang artist

Sa kanyang Instagram account ay nag-open up si Ice Seguerra, sa pamamagitan ng isang post tungkol sa kanyang pinakamasamang pagkakamali bilang isang artist.

Bata pa lang ay nasa showbiz industry na ang singer-composer.

“As artists, we are all familiar with the whole concept of uncertainty. Nabubuhay tayo nang walang kasiguraduhan, just to pursue our passion. When I was younger, mas matapang ako to follow my dreams,” aniya.

Inamin naman ni Ice, na hindi siya ganoon katapang.

“Pero ‘di pa rin ganon katapang kasi alam kong may responsibilidad akong kailangan gampanan,” dagdag pa niya.

Aniya, habang tumatanda siya ay naging komportable siya at sinubukan niyang protektahan ang sarili sa iba’t ibang bagay, kabilang ang failure at pain.

“But as I got older, I became comfortable. I’ve shielded myself from failure and pain, and in doing so, I built a huge wall.”

Sa pagbabalik-tanaw niya, sinabi ni Ice na napagtanto niya na ang pagprotekta sa kanyang sarili mula sa failure at pain ay ang pinakamasamang pagkakamali na nagawa niya bilang isang artist.

“Looking back, I’ve come to realize that it’s the worst mistake to make when you’re an artist. I have resisted my soul’s growth in exchange of being “safe”. I stopped dreaming big coz I was afraid to fail.”

Nangako naman siya sa kanyang sarili, na hindi na ito mauulit at hindi niya hahayaang pigilan siya ng takot kung sino ba talaga siya.

“I cannot do that anymore. I can’t let fear stop me from being who I really am.”

Kamakailan naman ay ipinagdiwang ni Ice at ng kanyang asawa na si Liza Dino ang kanilang ika-9 anibersaryo bilang mag-asawa sa pamamagitan ng pagsulat ng isang taos-pusong liham sa social media.

Basahin: Ice Seguerra kay Liza Diño sa ika-9 nilang anibersaryo: ‘When we got married, all my dreams came true

Post a Comment

Previous Post Next Post