Nagkaayos na sa wakas ang mag-inang Lotlot De Leon at Superstar Nora Aunor. Sa katunayan, si Lotlot pa mismo ang nagbantay sa Superstar matapos itong maospital.
Ayon sa ulat ng beteranong showbiz reporter na si Jerry Olea ng PEP Troika, kinumpirma umano ng tatlong sources, isang malapit kay Nora at isang malapit kay Lotlot, na inaasikaso ng aktres ang Superstar kaya hindi ito nakasama nang kunin ng mga kapatid nito ang plake para sa pagiging National Artist noong Hunyo 16, Huwebes, sa Malacañang Palace.

Matatandaang isang surprise post-Christmas party ang idinaos ng mga anak at apo ni Nora; bagay na labis na nagpasaya sa kanya sa pagpasok ng taon matapos dumating nang magkakasama ang kanyang mga anak na sina Ian, Matet, Kiko, at Kenneth at ang kani-kanila nilang mga pamilya. Gayunman, nahalata agad ng mga social media user na kumpleto ang lahat maliban kay Lotlot at ang kanyang pamilya.
May komunikasyon naman daw si Aunor kina Matet, Kiko, at Kenneth. Pero ang ikinatuwa raw nito nang husto ay ang makita na kasama si Ian at ang pamilya nito na dumalaw sa kanya. Naging masaya raw ang pananghaliang iyon at tuwang-tuwa rin daw si Nora dahil “Mama Guy” ang tawag ng lahat sa kanya na gustong-gusto niya talaga.
“Sobrang saya ko dahil nakasama ko sila. Natutuwa ako, saka sinusunod nila ako dahil lahat sila ang tawag sa akin, Mama Guy,” pahayag niya.
Nagkaroon din ng mga game sa late Christmas party ng pamilya, kaya naman lalo pang naging masaya at exciting ang muli nilang pagkikita-kita.
Sa kabilang banda, mapapansin din na kumpleto ang lahat maliban kay Lotlot at ang kanyang pamilya. Nang maitanong sa kanya kung umaasa siyang dadalawin din ni Lotlot at ng mga anak nito? Maikli lang ang kanyang sagot, “Bahala na ang nasa Itaas.”

[RELATED – Surprise for the Superstar: Nora muling nakasama ang mga anak at apo sa isang biglaang post-Christmas party]
Magugunita na minsan nang nagpahayag ng saloobin si Lotlot tungkol sa relasyon niya sa kanyang ina. Aniya, ginawa niya ang lahat para maging mabuting anak at alam ito ng Diyos.
“Ang relationship ko kay Mommy, iba. We have never been the ‘typical’ kind of family. I have tried my best all these years to be a good daughter. Wala akong hindi sinubukan gawin. Alam ng Diyos ‘yan. Minsan gusto ko ipaliwanag sa lahat kung ano nga ba kami pero hindi ko rin maipaliwanag. Ang alam ko lang mahal ko siya. At siguro kahit nga ipaliwanag ko, hindi pa rin maiintindihan,” wika ng aktres.
[RELATED – Lotlot, sinagot ang netizen na nagsabing natitiis niyang hindi dalawin ang inang si Nora Aunor]
Minsan na rin itong sumagot sa isa sa mga humuhusga sa kanyang hindi pagbisita sa ina.
