'Ipinangakong P10k na ayuda' ni Alan Peter Cayetano, hiniritan ng netizen sa isang mall

Nag-viral sa social media ang video ng isang netizen kung saan ay nakita nito si Sen. Alan Cayetano sa isang mall at hiniritan umano nito ang senador sa ipinangakong 10k na ayuda sa bawat Pilipino.

Sa nasabing video na ibinahagi sa Tiktok ay makikita si Cayetano na kasama ang misis na si Taguig Mayor-elect Lani Cayetano na naglalakad sa isang hindi tinukoy na mall.

Isang hindi nakikilalang lalaki ang kumukuha ng video matapos umano nitong mapansin na namamasyal si Cayetano at habang papalapit ito sa kanyang gawi ay hiningian niya ito ng P10k.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya pinansin nito.

 

Tila pinaalalahanan niya ang politiko ng umano’y ipinangako nitong P10K ayuda sa pamilyang Pilipino.

“Sir, P10-K ko sir… sir P10-K,” ani ng lalaki sa video.

Parehong hindi pinansin ni Cayetano at ng kanyang asawa ang lalaking nagsabi nito.

Basahin: Cayetano wants P10-K ‘ayuda’ for every family

Matatandaang naghain si Cayetano ng P10K Ayuda Bill para makatulong umano sa bawat pamilyang Pilipino sa gitna ng pandemya. Gayunpaman, hindi naipasa ang panukalang batas.

“Una sa lahat, pansamantalang naka-pause ang ating mga programa bilang pagsunod sa rules ng Comelec noong panahon ng kampanya,” ayon sa isa niyang pahayag.

Simula nang ipinangako ni Cayetano ang bill kaugnay sa P10k ayuda para sa mga Pilipino, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakalilimutan ng maraming netizens.

Madalas din ikomento ng mga netizens sa iba’t-ibang video o post ang tungkol sa P10k ayuda kahit wala namang kinalaman dito ang post.

Katulad na lamang ng post ng isang Facebook page na Kuya J Shots, aniya “Hindi sa pinag-o-overthink ko kayo baka naghiwalay si Moira at Jason para malimutan natin ‘yung pangako ni Allan Cayetano na 10k na ayuda.

Ayon sa isang netizen, hindi dapat ginagawang biro ang pangako dahil bumabalik umano ito sa alaala ng marami.

“Dapat po hindi niyo ginagawang biro ang mga ganyan, kasi bumabalik na naman sa alaala ko ang ipinangako ni Allan Peter Cayetano na bawat pamilya ay may sampung libo.”

Ginawaan na rin ito ng iba’t ibang memes. Patuloy na nag-aabang ang marami.

Samantala, narito ang pahayag ni Cayetano:

Post a Comment

Previous Post Next Post