Matapos aminin ni Raymond Gutierrez na siya ay miyembro ng LGBTQIA+ community, mas naging open siya sa kanyang personal na buhay sa publiko.
Inulan ng pagmamahal at suporta ng mga celebrity si Raymond matapos niyang mag-share sa social media ng mga larawan nila ng kanyang boyfriend na si Robert William sa unang pagkakataon noong Sabado, Hunyo 25.
Sa Instagram, ibinahagi ni Raymond ang dalawa sa kanilang mga larawan habang ipinagdiriwang nila ang kanilang pagmamahalan.

“Celebrate your love! Happy Pride, Philippines,” saad ni Raymond sa kanyang IG post.
Bumuhos naman ang suporta ng kanyang mga kaibigan at mga kaanak at umulan pa nga ng heart emojis ang naturang post.
“The launch! Love it!” komento ni Wil Dasovich.
“Happy for you @mond!” saad naman ng kanyang kakambal.
“I’m so happy I could cry,” sey naman ni Nicole Andersson. “Omg cuuuuuuuteeee happy pride babe”

Noong Agosto 1, 2021, opisyal na inihayag ni Raymond na siya ay kabilang sa LGBTQ; sa isang eksklusibong panayam sa MEGA Entertainment.
Aniya, “I’m here to formally say that I am a proud member of the LGBTQ community. And it feels great saying that publicly because I am.”
“I am out to a lot of my close friends and I’m lucky that I have that support system around me to give me the confidence to really accept who I am and to love myself because not a lot of people have that?

Ayon pa sa 38-anyos, mahirap para sa kanya na aminin ito lalo na sa industriya dahil hindi lahat ay natatanggap kung ano ka at kung paano ka tatanggapin ng mga tao sa paligid mo.
“Growing up, it was hard for me to even acknowledge even who I am. Like, what is this?
“I had my brother who was so similar to me but so different in so many ways. But he never had to explain his sexuality, so why should I? And that was my thinking growing up.
“But then entering show business at 19–well, I was a kid–but going back again to show business at 19 to be a TV host, that’s when it really hit me that, ‘Wow, being gay is really not accepted in a lot of these communities.’”
Kaya naman sa ngayon ay tila nabunutan siya ng tinik pagkat hindi na niya kailangang maglihim.
View this post on Instagram