Reaksyon ng aso nang pina-CBC test ng amo kinagiliwan ng netizens

Agaw-pansin sa mga netizens ang naging reaksyon ng asong si Thali mula Davao nang kinuhanan ito ng dugo kamakailan.

Sa Facebook post ni Sonia Tata William noong Hunyo 3, ang owner ni Thali, ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan ni Thali kung saan ay makikita sa mukha ng aso ang takot. Ayon kay Sonia ay takot na takot raw ito sa karayom kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Thali.

Ayon sa owner ay kuha umano ang mga larawan noong araw ng blood extraction para sa mga rescue dogs niya.

“I viewed these pics many times paulit-ulit. Kuha kanina during blood extraction ng mga Vet sa mga rescue dogs ko. Late ko na napansin hitsura ni Thali after ni-review ko mga pics. Nakakatawa talaga facial expression ni Thali… ang rescue dog namin na takot na takot sa needle.”

Natawa umano ang owner sa ipinakitang reaksyon ni Thali. Kahit sino naman ay matatawa sa naging reaksyon ng kanyang fur baby, di ba?

Kuwento pa niya ay hindi naman daw ito nag-resist nang kinunan na ng dugo.

“Pero hindi naman s’ya nag resist nang kinunan na s’ya ng dugo kanina for her 2nd CBC Test, ‘yon nga lang ang mukha nya ay hindi talaga mahitsura hehehe.”

Dagdag pa ni Sonia ay ganito rin umano ang nagiging reaksyon ni Thali kapag paliliguan na ito na tila parang nagmamakaawa na huwag na siyang paliguan.

“Kahit paliguan s’ya ganyan din mukha nya, nagtatakbo kelangan pa namin dakpin. Titingnan ka muna parang nagmamakaawa na huwag na s’yang injectionan o paliguan.”

Ngunit kampante naman daw ito kapag si Sonia ang humawak sa kanya.

“Pero basta ako lang ang humawak sa kanya feeling kampante na rin sya.”

Ang nasabing larawan ng aso ay ibinahagi rin ng Facebook page na ‘GO Davao’ na humakot naman ng 5k likes at 4.1k shares.

Maraming netizens ang natawa at na-cute-an sa reaksyon ni Thali.

Post a Comment

Previous Post Next Post