Vin Abrenica, Sophie Albert naghahanda na para sa kanilang nalalapit na kasal

Mahigit isang taon matapos nilang ianunsyo ang kanilang engagement, nagsimula nang maghanda ang celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert para sa kanilang nalalapit na kasal.

Sa Instagram Stories, ibinahagi ni Sophie ang larawan nila ni Vin kasama ang kanilang mga wedding coordinator, kabilang si Charisse Tinio, ang may-ari ng celebrity-preferred photo and video service na Nice Print Photography, at ang event stylist na si Gideon Hermosa.

“Wedding things,” aniya sa kanyang post, na sinundan ng isang ring emoji.

Hindi malinaw kung kailan ang kanilang pinakahihintay na pag-iisang dibdib ngunit makikita na naghahanda na ang mag-partner.

Matatandaang noong nakarang taon, Pebrero 2021, nang inanunsyo ng celebrity couple ang kanilang engagement.

Base sa kanilang mga naunang post, nangyari ang surprise proposal nang kunan nila ang maternity shoot ni Sophie sa Batangas noong December 12, 2020.

“You’ll never know when you are truly ready until you realize who you’re living and breathing for. It’s you @itssophiealbert. We’ve grown up together and I look forward to growing old together. Good luck, you are stuck with me for life,” sabi ni Vin sa kanyang post.

Masaya naman ang aktres kaya naman nagbahagi rin sa IG niya si Sophie: “We’ve been savoring our precious moments and we are ready to share our joy and excitement! WE ARE ENGAGED!

Thank you @vinabrenica for everything. Thank you for being you and for making everything special. I am blessed to have you as my best friend for life.”

Si Vin at Sophie, parehong 31, ay unang nagkita noong 2012 sa TV5 talent search na Artista Academy.

Noong nakaraang taon, isinilang ni Sophie ang kanilang unang anak na si Aviana Celete.

May mga nagkomento na mga netizens na sana ay huwag tumulad si Vin sa kanyang kuya Aljur ngunit may iba naman na bumati sa dalawa.

“Sana po hindi kayo matulad sa kapatid mo..stay strong sa relationship n’yo”

“Iba po si Vin sa kuya niya. Mag 10 yrs. na sila ni Sophie”

“Oh that’s great.. this is one of my idols.”

Post a Comment

Previous Post Next Post