Bawal sumuko: Estudyanteng nagtrabaho bilang saleslady, cashier, atbp nakapagtapos na rin sa kolehiyo

Para lang matupad ang pangarap ay gagawin natin ang lahat upang maisakatuparan ito, ‘di ba.

Si Redeen Isabel Biene ay may pitong iba’t ibang trabaho mula senior high school hanggang kolehiyo upang matustusan niya ang kanyang mga pangangailangan sa paaralan.

“Actually po, mahirap po ‘yung buhay namin. Kahit dalawa lang po kaming magkapatid, wala naman pong stable na job ‘yung both parents ko po. ‘Yung unang job ko po is naging ukay-ukay saleslady po ako sa isang ukay-ukay,” ani Redeen Isabel Biene sa ‘The Philippine Star’

Nagsimula siyang mag-juggle sa trabaho at paaralan noong siya ay nasa grade 9 pa lamang.

Ang lahat ng kanyang libreng oras ay ginugol niya para sa paghabol sa mga kinakailangan sa paaralan o paghahanapbuhay upang makatulong sa kanyang pamilya.

Naranasan ko nga po ‘yung nasa work ako na mag e-exam, pagka umagahan ‘yung mga reviewers ko dinadala ko sa work ko. Minsan nasa storage room ako, nagre-review pa. Maging sa pagtulog niyo dapat iisipin niyo pa. Nire-review niyo pa sa isip niyo kung ano po ‘yung gagawin niyo pagka-umagahan, pagkabukas sa makalawa dapat lahat nakaplanado po lahat.”

Sa kanyang paglalakbay sa edukasyon, nagtrabaho siya bilang personal tutor, ukay-ukay saleslady/cashier, restaurant service crew, convenience store cashier, cleaner sa condominium, barangay encoder at barangay assistant.

Mabuti na lang at nakahanap si Redeen ng sponsor na tumulong sa kanya sa pagbabayad ng kanyang tuition fee sa kolehiyo.

Kaya naman matapos ang walong taon ay nagtapos si Redeen sa kursong Business Administration Major in Marketing mula sa University of St. La Salle Bacolod noong Mayo 29, 2022.

Sa ngayon, nagtatrabaho pa rin siya bilang katulong sa barangay ngunit plano niyang magpahinga muna bago maghanap ng regular na trabaho. Take a breather, ‘ika nga!

Ayon kay Redeen, ang kanyang ina ang nag-udyok sa kanya para makakuha ng degree.

Dagdag pa niya, na ang time management ang susi para sa mga nagtatrabahong estudyante na tulad niya.

Umaasa si Redeen na sa pamamagitan ng kanyang kuwento ay patuloy na ipaglalaban ng mga kapwa working students ang kanilang mga pangarap.

“Pwedeng magpahinga pero ‘yung pinaka importante sa lahat is huwag susuko sa buhay, kaya niyo iyan.”

Sabi nga, ang mga totoong kuwento ng buhay ang magsisilbi sa ating inspiasyon at motibasyon na basta’t ginusto ay makakaya!

Panoorin ang PhilStar feature:

Post a Comment

Previous Post Next Post