Nag-viral kamakailan ang isang post sa social media ng isang customer na may P6 million bill na bayarin sa kanyang kuryente. Ito ay umani ng sari-saring batikos mula sa mga netizens.
Sino ba naman ang hindi mapa-praning at hindi tataas ang blood pressure kapag nakatanggap ng ganitong kataas na babayarin? Mabuti sana kung perang matatanggap. Kaso mo’y hindi.
Kaya naman laking gulat ng nakilalang si Maricel Gadiano Aggasid ng Barangay San Juan Solano, Nueva Vizcaya nang matanggap ang kanyang bill sa kuryente na umabot sa mahigit P6 milyon na ibinahagi naman niya sa kanyang FB account.

Sinabi ng mga residente rito na marami ang umaasa sa mataas na singil sa kuryente ngunit hindi nila akalain na ang isang consumer ay makatatanggap ng ganito kalaking singilin.
“The surging power rates were already unbearable and too heavy on our pocket and yet there is this kind of billing,” sabi ng isang residente sa Manina Buliten.
Agad na nagtungo sa Nueva Vizcaya Electric Cooperative (Nuvelco) sa Gabut, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya ang consumer na umabot sa P6 milyon ang bill para tanungin ang totoong bill nito.

Samantala, agad namang naglabas ang Nuvelco ng opisyal na pahayag sa isyung kumakalat:
“The management of Nueva Vizcaya Electric Cooperative issued this official statement in response to the recent post of a consumer regarding a bill amounting to P6,704,552.13.”
Ayon sa Nuvelco na ito ay ‘isa sa mga isolated cases ng maling pagbabasa na ginawa ng aming meter reader.’

“The meter reader mistakenly included the Previous Reading as part of the Present Reading causing the system to calculate it incorrectly.”
“Previous reading is 401 and Present Reading should have been 467 but it was erroneously input as 401467. Nevertheless, appropriate actions have been undertaken to correct the mistake.”
Sinabi ng koop na inaako nila ang responsibilidad na tiyakin na ang mga naaangkop na halaga ang sisingilin sa mga konsumer.
Pakiusap naman ng consumers, rebisahin muna ang mga inilalabas na bills pagkat hindi biro kung may medikal na isyu ang makatatanggap ng mga may ganitong pagkakamali. Tripleng pag-iingat po.