Chito sa pagtatapos ni Neri: 'You have this constant urge to improve yourself, I'm so proud of you'

Ngayong nakuha na ng aktres na si Neri Naig ang kanyang diploma, wala ring mapagsidlan ng tuwa ang kayang asawa na si Chito Miranda na naging saksi sa paglalakbay niya patungo sa kanyang mga pangarap simula pa noong bago pa lamang silang magkasintahan.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Chito na isa sa mga nagustuhan niya kay Neri bukod sa kagandahan nito ay ang dedikasyon nitong palaguin ang sarili sa iba’t ibang aspeto.

“Noong nagde-date pa lang tayo, tinanong ako ng kuya ko kung ano daw ang nagustuhan ko sa’yo (aside sa looks),” pagbabahagi ng Parokya ni Edgar frontman. “Sabi ko, ‘yong pinakanagustuhan ko sa’yo, was ‘yong fact na you have this constant urge to improve yourself. Aral ka nang aral, basa ka nang basa, always trying to evolve into a better version of yourself, but at the same time, being content with who you are as a person. Ang galing lang, e.”

chito neri

At ngayon nga, hinahangaan na si Neri bilang “Wais Na Misis” at naghahatid ng inspirasyon sa mga nangangarap na mapabuti ang kanilang buhay.

“Dati, may ngilan-ngilang natuwa at naaliw sa’yo dahil artista ka, at sixth placer ka sa PBB Star Circle Galaxy Quest, Dream Believe Repeat,” pabirong pagbabalik-tanaw ni Chito tungkol sa pagkapanalo ni Neri sa Star Circle Quest noong early 2000s.

“Ngayon, nagsisilbi ka na bilang inspiration sa mga kababaihan…at hindi lamang sa mga kababaihan, kundi sa lahat ng nagnanais makamit, at nag-aalinlangang i-pursue ‘yong mga dream and goals nila sa buhay. Congrats again, Ms.Neri. I’m so proud of you,” wika pa ng OPM star.

chito neri

[RELATED: Neri Miranda graduates from college: Kung kaya ko, mas kaya n’yo]

Sa post naman ni Neri, ipinaalala niya sa lahat na walang imposible sa isang nangangarap at kung kinaya niya, kakayanin din ng iba na makamit ang minimithi nila.

“Sa lahat ng nakakabasa nito, kung kaya ko, mas kaya n’yo. Kung wala pang budget, mag-ipon ka lang. Iba-iba man ang journey natin, ‘yong iba mas mauuna, may male-late lang konti, merong matagal talagang dumating kagaya ng sa akin,” aniya.

chito neri

Post a Comment

Previous Post Next Post