Gaano man kahirap at kabigat ng ating pagdaanan, kung gusto nating makamit ang ating minimithi ay gagawin natin ang lahat upang matupad ang mga ito.
Isa si Carl Borja, 23-taong gulang, na civil engineering graduate sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga noong 2020, ang nagsumikap upang maipasa ang kanyang board exam.
Matapos ang halos dalawang taong paghihintay para makakuha ng board exams, ang pandemya ang nagtulak sa kanya na magtrabaho pansamantala habang naghahanda para sa pagsusulit sa board.

Kaya naman nagdesisyon siyang magtrabaho sa graveyard shift mula 11pm hanggang 8am, na sinundan naman niya ng pagre-review para sa board exams ng 8am hanggang 5pm.
Kahit may trabaho siya ay priority pa rin niya ang paghahanda sa board exams.
Sa naturang video na ibinahagi ni Carlo sa Philippine Star ay ipinasilip niya ang kanyang silid kung saan makikita ang mga nakakapit na reviewer sa pader.
Kasabay ng kanyang abalang iskedyul, nakarranas si Carl ng mga balakid na sumubok sa kanyang determinasyon at tapang.

Hindi niya naiwasang ma-burn out sa stress sa pag-aaral para sa board exams habang siya ay nagtatrabaho.
Matapos ang kanyang mga pinagdaang pagsubok, sa wakas ay kumuha na siya ng board exams noong Mayo 1 at 2, 2022.
Makalipas ang isang linggo, ay natanggap niya ang katbayan na nakapasa siya sa civil engineering licensure exam kaya naman sulit na sulit ang kanyang mga pinaghirapan.

Ibinahagi naman ni Carl na ang pag-aalaga sa sarili ang pinakamahalagang aral na nakuha niya sa kanyang paglalakbay sa board exam.
“If you feel na kaya niyo i-take ‘yung board ngayon, especially online lang. Go for it. Pero if hindi niyo kaya, ‘wag niyo muna. Kasi it’s all about mind talaga. Mind over body.”
“For those who failed, especially may mga kakilala ako. Just remember na you are not a failure. Hindi pa talaga para sa inyo, just wait for the right time, and darating talaga sa inyo and mas worth it ‘yung feeling pag-na-receive niyo ‘yun.”
At dahil sa kanyang pagpasa, may espesal na regalo siyang natanggap mula sa kanyang mga magulang.
Panoorin ang video na ibinahagi ng Philippine Star via Facebook: