'Sobrang thankful ako sa buhay n'yo': Kiray money cake na may P63K ang regalo para sa 63rd birthday ng ama

Isang money cake na may lamang P63,000 ang regalo ni Kiray Celis para sa 63rd birthday ng kanyang ama—at mayroong siyang nakaantig na dahilan kung bakit talagang ginastusan niya ang surpresang ito.

kiray

Sa Facebook, ibinahagi ni Kiray ang video kung saang makikita ang genuine smile ng kanyang ama dahil sa mga surprise niya ritong gold jewelries at pera na nagkakahalaga na P63,000. Saad ng aktres, wala raw kaso kung taon-taon niyang surpresahin ng money cake ang kanyang mga magulang dahil bawat kaarawan ng mga ito ay nangangahulugan lamang na mas humahaba pa ang buhay nila; na talaga namang ipinagpapasalamat niya.

“P63K sa 63-year-old birthday boy! Maubos man ang ipon ko sa kakapa-money cake sa inyo every birthday ninyo ni Mama, okay lang. Sobrang thankful at blessed ako taun-taon na nadadagdagan lagi ang buhay niyo. Mahal na mahal ko kayo, Papa at Mama!” aniya.

kiray

Hindi na nakagugulat ang mga ganitong post para sa aktres dahil bata pa lamang, vocal ito na lahat ng pagsisikap niya ay para sa kanyang pamilya. Sa isang Instagram post, naikuwento ni Kiray ang totoong dahilan kung bakit siya sumali sa Munting Miss U ng MTB o Magandang Tanghali Bayan; na naging stepping stone niya para maging isang ganap na child star at parte ng entertainment industry.

Kuwento niya, bata pa lamang siya ay mulat na siya sa sakripisyo ng kanyang mga magulang, lalo na ang tatay niya na pabalik-balik noon sa ibang bansa at tinitiis na mapalayo sa kanila para lamang may panggastos sila at pambayad sa maliit na kuwartong inuupahan nila.

kiray

“Ayaw ko na magtrabaho ang papa ko pabalik ng ibang bansa at para may pambayad kami sa renta ng inuupahan naming maliit na kuwarto,” pagbabahagi niya.

Pagkatapos ng beauty contest na iyon para sa mga musmos, matatandaang naging bahagi na siya ng MTB hanggang sa magtuloy-tuloy na ang kanyang showbiz career hanggang sa pagtanda.

Post a Comment

Previous Post Next Post