Official trailer ng ‘Maid in Malacañang’, inilabas na

Inilabas ng Viva Films at Vincentiments nitong Hulyo 17, ang official trailer ng kontrobersyal na pelikula tungkol sa huling 72 oras umano ng mga Marcos noong Edsa revolution taong 1986.

Pinamagatang “Maid in Malacañang”, ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Darryl Yap. Ipapalabas ang pelikula sa mga sinehan simula sa darating na Agosto 3, 2022.

Ang opisyal na trailer ay ipinalabas sa isang media conference na ginanap sa Manila Hotel noong Linggo. Ang mga dumalo sa press conference ay ang cast ng pelikula: Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo.

Kamakailan ay in-upload ang teaser sa Facebook page ng VinCentiments at Viva Films na agad namang nag-viral sa social media platforms. Ang teaserr post ay umabot agad sa mahigit 1 million views sa loob lamang umano ng tatlong oras sa FB.

Sa trailer makikita ang ilang video clip na kuha noong kapanahunan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating Pangulong Cory Aquino.

Mapapanood din dito ang mga nangyari noong Edsa People Power Revolution at noong idineklara umano ni Cory na nakamit na ang kalayaan sa kamay ng pamumuno ng dating Pangulong Marcos.

Samantala, umani naman ng positibong komento mula sa mga netizens ang trailer at nagpahayag ng excitement na mapanood na ito sa mga sinehan:

“Nakakakilabot at ang ganda ng trailer galing.”

“OMG the trailer made me cry! I’m so excited for the film! Kudos to Director Darryl, Senator Imee, Cesar, Ruffa, Diego, Cristine, Ella and everyone involved! Let’s go!”

“I cried the trailer is goosebump kakaiba …the story should be told has been finally out …..take ur meds mga nahahighblood d’yan.”

“With this, History should be corrected and account new evidences.”

“It’s always the side of Aquino’s that are being told, it is now time for the Marco’s side to be aired.”

“Panahon na, na side naman nila ang ating mapakinggan at mapanuod.”

Basahin: Maid in Malacañang’ movie teaser inilabas na

Post a Comment

Previous Post Next Post