Isang criminology student ang naging viral at umani ng papuri online matapos nitong ialay ang kanyang graduation picture at medalya sa kanyang ina na may kapansanan sa pag-iisip.
Ibinahagi ng Facebook page na “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang video footage ni Christian nang nag-alok ito ng kanyang graduation picture sa kanyang ina na mentally-incapacitated o dipensiya sa pag-iisip.
Ang nakaaantig na video ay humaplos sa puso ng mga netizens.
Ibinunyag ng estudyante na naiinggit siya sa kanyang mga kaklase sa pagkakaroon ng kumpletong pamilya sa araw ng kanyang pagtatapos.

Mag-isa umanong dumalo si Christian sa kanilang commencement exercise.
“Noong graduation, nakita ko ‘yung mga classmate ko na may kasamang family, may parents. Kumpleto sila. Tapos ako, mag-isa lang ako. Wala akong kasama,” aniya.
Pinanood lang umano ni Christian ang kanyang mga kaeskuwela na kumukuha ng litrato kasama ang kanilang pamilya samantalang wala siyang kasama sa kanyang espesyal na araw.
“Pinapanood ko lang ‘yung mga kaklase ko habang nagpi-picture taking,” dagdag pa niya.

Ibinunyag ng criminology graduate na may sakit sa pag-iisip ang kanyang pinakamamahal na ina, na siyang pangunahing dahilan kung bakit hindi ito nakadalo sa kanyang graduation. Gayunpaman, nagpasya siyang surpresahin ang kanyang ina ng kanyang medalya at larawan ng graduation niya.
“Si Mama kasi, nagkasakit sa pag-iisip kaya hindi na siya nakapunta. Pero ang naisip ko, i-surprise na lang siya pagkatapos ng graduation.”
Natuwa naman si Christian nang makita ang reaksyon ng kanyang ina habang nakatitig sa kanyang graduation photo.

“Dinala ko sa kanya ‘yung medalya at ‘yung frame na may graduation picture ko. Tuwang-tuwa po siya para sa akin!”
Isiniwalat din niya na ang kanyang ina ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon at motibasyon upang magsumikap at makamit ang kanyang layunin sa buhay.
“Sobrang saya na nakita ko si Mama na masaya dahil sa tagumpay na ito. Lahat kasi ng pinagdaanan ko, ‘yung success, dahil ‘yun kay Mama. Siya ‘yung nagbigay sa akin ng inspirasyon at motivation para makapagtapos. Marahil hindi niya ito maalala, o naguguluhan siya, pero hindi iyon pipigil sa akin para ialay sa ina ko, ang unti-unting pagtupad ng mga pangarap ko.”
Panoorin.
@tisoy57 Reply to @jellianoraquiza congratulations 👏 mother ikaw ang dahilan nito..say to your mother that you love her #foryourpage ♬ MAPA – SB19