Sana all! Dimples Romana hinangaan dahil sa slimmer bod matapos manganak kay Baby Elio

Pinahanga ni Dimples Romana ang mga tagahanga at kapwa celebrity sa kanyang postpartum body habang masaya siyang nag-groove sa upbeat music; dalawang linggo lamang pagkatapos niyang isilang ang kanyang ikatlong anak na si Elio.

Umindayog ang aktres at sumayaw sa saliw ng “Hit Eazy” nina Eric Bellinger at Hitmaka habang nakasuot ng cropped shirt at fitting shorts, gaya ng makikita sa kanyang Instagram page noong July 10.

“Dancing and celebrating simple victories this morning for this momma fighting through postpartum blues today,” ani Dimples.

“Now, TikTok to move and exercise a bit since I’m not allowed any strenuous workouts yet,” dagdag pa ng aktres.

Pinuri si Dimples ng kapwa celebrities na sina Aiko Melendez, Sitti at Dianne Medina, na pawang hanga sa postpartum figure ng aktres.

“Nanganak ka ng lagay na yan sis??? Where is justice ang sexy agad!!!” hangang sinabi ni Aiko.

“Parang ‘di nanganak! Congratulations again, Dimples!! You’ve got this!”  komento naman ni Sitti.

“Grabe, [ang] sexy,” sabi naman ni Dianne.

Talagang mapapa-‘sana all’ ka na lang kapag ang mga babaeng katatapos lamang manganak ay bumabalik agad sa dating pangangatawan at fit na fit na muli!

 

Basahin: Too cute! Netizens can’t get over the dimples of Dimples Romana’s newborn

Kamakailan din ay ipinakita ni Dimples si Elio sa online world at agad naman itong nag-viral pagkat na-cutan ang mga netizens.

“A very happy, blessing-filled Monday indeed from #ElioJuanManolo. #TheFAhmeely weekend in a reel. Let the #ABCDEfunventures begin!” saad ng aktres.

“Lots of people to thank for this past weekend, just gathering all my thoughts til we get to express our gratitude to all who have prayed for us, for everyone who took care of us and made this journey a memorable one for our family.”

Basahin: Dimples Romana gives birth to 3rd child

Ipinanganak ni Dimples si Elio noong Hunyo 24 sa pamamagitan ng cesarean operation.

Post a Comment

Previous Post Next Post