Donnalyn Bartolome humingi ng paumanhin kaugnay sa 'birthday photos' niya: 'It was an honest mistake'

Humingi ng paumanhin ang Internet personality, singer, at actress na si Donnalyn Bartolome nitong Linggo, Hulyo 10, kaugnay sa mga larawang ibinahagi niya sa kanyang mga social media accounts na naglalarawan sa kanyang sarili bilang isang kaakit-akit na ‘sanggol’ bilang bahagi ng kanyang ika-28th birthday photoshoot.

Kasama sa mga kuha ni Donnalyn ang pagsusuot niya ng diaper, naka-bib na tanging pang-itaas, at naka-onesie habang nakasubo ng bote ng gatas. Hindi ito nagustuhan ng maraming netizens dahil sa malaswa umano nitong ‘konsepto.’

Ilang oras matapos niyang i-upload ang kanyang birthday photos at video, inalis na ni Donnalyn ang mga ito nang makatanggap siya ng go signal mula sa Facebook at social media managers at nagsulat na rin ng apology message sa kanyang Facbook page.

“It was an honest mistake, it was never my intention to enable one of the most horrifying acts here on Earth,” aniya na may broken heart emoji.

Ayon sa vlogger, hindi niya agad inalis ang kanyang post para maasikaso muna ang copyright ng mga larawan para maiwasang kumalat pa ito online.

Pagkatapos ay hiniling niya sa kanyang mga fans at followers na tulungan siya sa pamamagitan ng pagpapadala ng links ng sinumang nag-repost ng kanyang mga larawan upang mapabilis na matanggal ito at hindi na kumalat pa.

“Almost a million people across [social media] platforms thought of it light and funny because they know my personality and didn’t look at it that way hence our initial reaction to the idea was the same… but upon reading other people’s perspective, I completely agree. I feel terrible, sick to my stomach and had disturbing flashbacks I’d rather not say,” paliwanag ni Donnalyn.

Ibinahagi rin niya na naging “overprotective” siya sa lahat ng kanyang mga kapatid na inalagaan niya noong mga baby pa ito. Sa mga photos ay hindi niya umano intensyon na sekswal ang magiging dating nito sa mga netizens.

Sa huling bahagi ng kanyang paghingi ng tawad sa Facebook, pinasalamatan niya ang lahat ng nagpabatid sa kanya ng mga batikos, “especially those who did it so kindly.”

Marami naman ang humanga sa pagtanggap niya ng pagkakamali at paghingi ng paumanhin dahil dito.

“You’re the type of people who help me become a better person everyday as I hold the responsibility of influencing millions. It’s not easy… but I’ll do my best,” dagdag pa niya.

Tinapos ng 28-anyos ang kanyang post sa pamamagitan ng pagbanggit ng Nayon ng Kabataan para sa mga gustong tumulong sa mga inaabusong bata.

“The children admitted there carry so much pain, you can donate or send them little gifts to make them feel better. Thanks everyone and I’m sorry,” pagtatapos ng kanyang mensahe

Post a Comment

Previous Post Next Post