Heartwarming video: Inang OFW sinurpresa ang anak sa mismong araw ng graduation nito

Isang OFW na ina ang nagsurpresa sa kanyang anak sa araw ng graduation nito, at mabilis namang nag-viral ang kanilang sweet reunion video.

Isang malungkot na katotohanan para sa maraming OFW (overseas Filipino workers) na kailangan nilang makaligtaan ang maraming milestone at mahahalagang sandali sa buhay ng kanilang pamilya dahil kailangan nilang magtrabaho para sa ikagaganda ng buhay nila.

Kailangan din nilang tiisin ang ‘homesickness’ sa pagtira sa malayo, lalo’t hindi rin madaling makauwi para dumalo sa bawat espesyal na okasyon.

Kaya naman napakasarap sa kanilang pakiramdam tuwing nakauuwi sila sa tamang panahon para sa mahahalagang kaganapan, gaya ng debut, kasal, o araw ng graduation ng kanilang anak.

At isa ring masayang surpresa para sa kanilang mga pamilya na sila ay nakauwi at nakadalo sa mga espesyal na kaganapan.

Gaya na lamang ni Ella Jean R. De Goma na nagtapos kamakailan ng kursong Bachelor of Science in International Tourism Management.

Sa ibinahagi niyang video sa kanyang Tiktok ay wala umanong kaalam-alam ang estudyante na nakauwi na pala ang kanyang ina upang dumalo sa kanyang Graduation day at naghihintay lamang ito na umakyat sa stage ang anak.

Nang tinawag ang kanyang pangalan sa entablado para tanggapin ang kanyang diploma at medalya bilang First Honor ng kanyang batch, hindi niya kaagad namalayan na sinundan pala siya ng kanyang ina.

Nang mapalingon si Ella ay nagulat na lamang siya dahil kaharap na niya ang kaniyang ina.

Kaya naman, labis ang saya ng mag-ina nang magkitang muli sa personal. Masaya silang nagyakapan at ibinahagi nila ang matamis na reunion moment sa entablado.

Ang iba pang mga nagtapos ay nagbigay sa dalawa ng masigabong palakpakan.

Ang nanay ni Ella Jean ang nagsabit ng kanyang medalya sa kanyang leeg. Ito ay talagang isang matamis na tagumpay para sa dedikadong estudyante at sa kanyang masipag na ina.

Samantala, umabot ng mahigit 3,000 ang mga komento na karamihan ay naka-relate sa eksena. May mga magulang na napahiling na sana ay makauwi rin sa graduaion ng anak at mayroon ding nag-senti dahil wala nang mga magulang nang sila ay nagtapos ng pag-aaral.

@jeanella_ Everybody knows except me🥹 will never forget this moment!!!!😭❤️❤️ #fypage #tiktokphilippines #graduation #fypã‚·゚viral #surprise #fypp ♬ MAPA – SB19

Post a Comment

Previous Post Next Post