Herlene nakatanggap ng house and lot mula sa manager na si Wilbert Tolentino

Sa wakas ay may sariling bahay at lupa na si Herlene Nicole “Hipon Girl” Budol!

Ibinahagi ng aktres at kandidata ng Binibining Pilipinas 2022 ang good news sa kanyang Instagram account noong Linggo, kasabay ng  pagpapasalamat sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

“Natupad din ang aking pangarap magka house & lot. Salamat kay Sir Wilbert Tolentino,” isinulat niya. “Mga Ka-Squammy, Ka-Hiponatics, at Ka-Budol ko diyan, sobrang speechless po ako at overwhelmed.”

 

Sa YouTube, naglibot si Wilbert sa magiging tahanan ni Herlene, matapos niyang mapagpasyahan na bigyan ang dalaga nito bilang motibasyon na magpatuloy sa kanyang trabaho, at para na rin sa namaalam niyang lola kamakailan.

“Every time umiiyak siya nung nawala si Nanay Bireng, lagi niya sinasabi, ‘Nanay, sorry hindi mo naabot ‘yung bahay,” kuwento ng manager.

Hindi pa nakikita nang personal ni Herlene ang bahay, ngunit nag-alay ng mensahe si Wilbert sa kanya bago ang koronasyon ng Binibining Pilipinas 2022 sa Hulyo 31.

“Excited kami sa ‘yo. Sana ‘wag kang magbago. Ipagpatuloy mo lagi lahat ng mga plan ko para sa karera mo. Ma-deliver mo lang ‘yon, isa nang malaking achievement para sa ‘kin,” masayang pagsuporta nito.

“Alam kong bibigyan mo ng mahigpit na laban ang Binibining Pilipinas (2022) and I will pray every night para makuha mo kahit isang korona lang,” dagdag pa niya.

Hindi lang si Herlene ang sinurpresa niya kundi ang dating PBB housemate na si  Daisy Lopez a.k.a Madam Inutz ng bahay.

Masaya naman ang mga fans ni Herlene na magkakaroon na nga ito ng pinapangarap na bahay.

“Grabe, napaka swerte ni Herlene, deserved naman talaga ni queen herlene at mga natatanggap na blessings mula kay sir mr. Wilbert Tolentino, Sana wag mag bago si queen Herlene sa mga achievements niya na natatanggap! Godbless sir”

“Yesss, thank you so much po sir Wilbert. Napakabait mo kya nman siksik liglig ang balik ng blessings ni Lord. Thank you so much for helping Herlene”

“Napaka Lucky ni Harlene at Inutz na magkaroon ng Wilbert Tolentino .. napakabait mo pong tao. Nakakalungkot lang di na naabutan ng Lola niya”

Basahin: Dream come true: Herlene Budol emosyonal na nabili ang kanyang pinapangarap na sasakyan

Post a Comment

Previous Post Next Post