Naranasan mo na bang mangarap at sumaya nang makamit ito?
Naantig ang damdamin ng mga netizens sa Facebook post ni Marjorie Magpili tungkol sa kaniyang ama na si Jomar Magpili na nakapagtapos ng high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS sa Las Piñas National High School.
Ayon sa kanyang anak na si Marjorie, dahil sa kahirapan ng buhay noon ay hindi nakapagtapos ang kanilang ama. Mas pinrayoridad niya ang kanyang mga anak na makapagtapos ng pag-aaral.
Kaya naman kahit sa edad niyang 46-taon gulang ay nagpurisigi at nagsipag siya upang maihabol ang kanyang pag-aaral. Nakapagtapos naman ito ng high school.

Ayon sa kanyang anak na si Marjorie, dahil sa kahirapan ng buhay noon ay hindi na niya natuon ang kaniyang sarili sa pag-aaral at sa halip ay nagtrabaho siya upang sila ay mabuhay.
Ibinahagi din ni Marjorie na bukod sa pagiging estudyante ng kaniyang ama, ito pala ay 18-taon nang utility staff sa nasabing paaralan upang silang magkakapatid ay matustusan at makapagtapos ng pag-aaral.
Kitang-kita sa kaniyang mukha ang saya dahil nagbunga ang kaniyang pagsasakripisyo at pagpupursigi sa pag-aaral.

Ayon kay Marjorie, hindi siya nakadalo sa graduation ceremony ng kanyang ama dahil sa trabaho, kaya naman nag-iwan ito ng isang mensahe para sa kanyang ama.
“Congratulations Papa proud na proud po ako sayo Nag-aral ka po ulit. Ngayon Graduation mo na po I LoveYou so much po PAPA Congratulations sencya na pa wala ako sa araw ng graduation mo may work ako bawi na lang po ako sayo pero araw araw naman po ako proud sayo congratulation po ulit pa love love.”
Huli man at magaling, nihahabol din! Tunay na walang pinipiling edad ang pag-aaral pagkat ang buhay ay isang patuloy na pagsusumikap.
