Pinaalalahanan ng isang netizen ang mga online shopper na maging responsable sa pamimili dahil may mga rider na naaapektuhan ang pagtatrabaho.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si جايل جبريل ang pinagdaraanan ng mga rider para maihatid ang mga parcel.
Aniya, 5:30 a.m. pa lang ay nagsisimula nang bumiyahe ang mga rider para kunin ang mga parcel na ihahatid nila, saka nila ito iaayos base sa ruta.

“Siguro easy para sa inyo kasi hindi niyo nasusubaybayan ang araw-araw na buhay nila… Plus mo pa yung mga dadaanan nila papunta at pauwi habang bitbit yung malalaking sako,” aniya.
“Araw-araw ganyan ang routine nila. Sana huwag tayo mag o-order kung icacancel lang din. At wag mag dodouble order kung hindi mo mahintay ang una mong order.”
Paalala niya rin, siguraduhing tama ang nakalagay na address dahil pinaplano ng mga rider ang kanilang ruta base sa ibinagay na address ng online shoppers.

“May mga naglalagay din ng address sa ganitong lugar, pero nasa kabilang brgy naman pala. Sana wag naman nating gawing komplikado ang rota nila. Bawat rider kasi may brgy na sakop at bayan,” dagdag niya.
“Minsan wala nang kain kain at meryenda, madeliver lang nila lahat ng parcels natin. Sana ma appreciate natin yun. UMULAN MAN YAN O UMARAW, nasa kalsada mga yan.”
Pinaalalahanan niya rin ang mga online shopper na maging responsable dahil kabuhayan ng mga rider ang nakasalalay rito.

“Failed means less sa work performance. Cancel order means less again sa work performance. Unpaid items na inopen means LESS again sa work performance plus IR na naman. Nakasalalay po work nila sa bawat orders niyo. Hindi po biro na mag hapon nila bitbit yun tapos aayawan niyo lang un order niyo,” sabi pa ng netizen.
“Let’s be more sensitive sa lahat ng desisyon at ginagawa natin, kung saiyo ay for tripping lang, sila naman ay para sa pamilya nila.”
Mensahe naman niya sa riders, laging mag-ingat dahil may pamilya silang naghihintay sa kanilang pag-uwi. “Kudos sa lahat ng riders! Ingat lagi sa pagmamaneho araw-araw, may mga naghihintay sainyo pamilya niyo.”