Ibinunyag ni Angelica Panganiban sa pinakabagong vlog ni Camille Prats kung paano niya naranasan na makatanggap ng sulat noong bata pa siya; nang sinabihan siyang huminto sa taping, dahil lang sa bumigat siya ng ilang pounds.
Ito umano ay isang paraan ng pagsasabi sa kanya na magpahinga muna upang matauhan sa kanyang katawan.
“Sis, hindi nila ako pinag-taping. May isang taping, hindi nila ako [pinatawag]. Parang ‘Magpahinga muna siya ngayon’ para daw matauhan ako sa katawan ko,” ani Angelica.

Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya umano ang sakit ng mapahiya.
Kaya kapag pumupunta siya sa kanyang checkup at sinabi sa kanya na tumaba siya ay nasasaktan siya.
“Medyo masakit ‘yun growing up. Alam mo may trauma siya hanggang ngayon. Kapag may check-up ako dahil buntis ako, sasabihin ‘Oh nagge-gain ka ng weight. Hindi okay.’ Nasasaktan ako, sis,” dagdag pa niya.

Matatandaan naman na hindi naitago ni Angelica, sa kanyang vlog upload, ang kanyang pagkagulat matapos buksan at makita ang regalong ibinigay sa kanya ni Ryan Bang.
Sa kanilang channel sa YouTube, ang ‘The Homans’, nagpasya ang soon-to-be-mom na gumawa ng unboxing video ng mga regalong natanggap nila mula sa kanilang baby shower.

Matatandaang kasama sa mga dumalo ay si Ryan, na dati nang nakatrabaho ni Angelica sa Banana Sundae.
Sa video, inamin ni Angelica na na-curious siya sa regalo matapos basahin ang sulat na kasama nito.
“Ito, curious ako kung ano ‘to. Kasi, nasilip ko na ‘to kanina. Well ‘yung letter, nasilip ko na,” aniya.
Binuksan niya ang card kasama ng regalo at binasa ang mensahe ng aktor, “To Little Homan, meron ka na baon sa school agad. Love you! From: Tito Ryan.”
Pabirong tinukso naman ni Angelica si Ryan at sinabing marahil ay mas mabuti na buksan niya ang kanyang regalo 4 na taon mula ngayon.
“So ‘yung anak ko, kapag nag-school, which is ilan? 4 years from now. So 4 years ko muna kaya from now buksan ‘tong regalo? Kasi baon sa school eh.”
Panoorin: