Isang buong pahina ng ad sa Mackay and Whitsunday Life, isang weekly newspaper na nakabase sa Australia, ang naging viral nitong Agosto 12 nang nagpasya ang isang babaeng nagngangalang ‘Jenny’ na maghiganti sa kanyang ex-partner kaugnay sa pangangaliwa nito sa pamamagitan ng pag-book ng premium placement ad spot para ipaalam sa lahat ang tungkol sa ginawa nito.
Nag-book umano si Jenny ng ad sa pamamagitan ng online portal sa nasabing newspaper at nalathala ito sa edisyon noong Biyernes Agosto 12 kung saan nabasa ng mahigit 50,000 tao sa komunidad ng Mackay at Whitsunday Life.

Sa pamamagitan ng isang full-page na ad, sinulat ni ‘Jenny’ para kay ‘Steve’ ang isang mensahe; marahil upang mailabas ang kanyang galit sa kasintahan o asawa. Hindi tukoy kung alin sa dalawa ang estado nito sa buhay ni Jenny.
“Dear Steve, I hope you’re happy with her. Now the whole town will know what a filthy cheater you are.”
Tinapos ng galit na galit na dating partner ang kanyang “advertisement” sa isang nakatatawang post-script: “I bought this ad using your credit card.”

Naging viral sa social media ang Mackay and Whitsunday Life mula nang ilabas ang ad.
Sa pagtugon sa mga mensahe na natanggap ng newspaper sa nakalipas na ilang araw, naglabas ito ng isang opisyal na pahayag sa Facebook na nagsasabing “We do NOT know who Steve is, but apparently, he’s been very very bad.”
“We won’t be revealing any details about Jenny. We have not charged the credit card in question,” dagdag pa ng pahayagan.

As of posting, ang pahayag ay nakahakot na ng halos 6.9K reaksyon at higit sa 3.8K komento.
Ayon naman sa isang ulat, ang ad ay nakakuha ng labis na atensyon kaya ang Adelaide’s Highway Hotel and Pub ay naglagay ng ‘public apology’ sa roadside display nito.
“Dear Jenny, I’m Sorry. From all the Steves.”
Bumuhos ang mga komento sa pangyayaring ito. May mga nag-tag pa ng kani-kanilang partners; sabay bitaw ng paalala. Mayroon ding nag-cheer para kay ‘Jenny’ at nagsabi na sana ay isinama niya ang picture ni ‘Steve.’
“Wish she put the full name and even put his picture there…”
“Hey Jenny, if you’re reading this send us a message! The next round of drinks with the girls is on us!”
“There’s too many Steve’s in the world! You go girl!”
Mayroon din namang nagsabi na sana’y mabasa rin nila ang ‘side of the story’ ni Steve sa susunod na edition ng pahayagan. LOL
“Perhaps Steve should post his side of the story in the next newspaper?”
Hindi natin alam kung sino ba sina Jenny at Steve, pero simple lang ang moral lesson ng kuwentong ito. Huwag mangaliwa.