Bouquet ng resibo ng remittance center ibinida ng bagong graduate

Sa tulong ng kanyang mga kapatid ay nakapagtapos ng kolehiyo ang bagong graduate mula sa Antique.

Ibinida ni Jechel Fillone ang bouquet ng naipong remittance receipts mula sa kanyang mga kapatid na nagpapadala at sumusuporta sa kanyang pag-aaral hanggang siya ay makatapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English.

Ang mga resibo ay umabot umano ng 85K sa pagtutulungan ng kanyang mga kapatid mula noong first year hanggang magtapos siya sa University of Antique noong July 20, 2022.

Sa kanyang Facebook wall ay ipinost ni Jechel ang bouquet ng mga resibo ng mga ipinadalang pera sa kanya ng pamilya para sa pag-aaral niya.

“Salamat sa mga texts ka Palawan, Naka-graduate gid man.” ani Jechel.

“This bouquet that I made myself is my collection of all the money I have received from my brother Efren Fillone and sister Jelyn, mga receipt kang Palawan Pawnshop everytime may ginapadara sanda. I have collected these since 2018 with the thought nga isipun ang total kang nagasto da kanakun (in short, utang ko kananda) after 4 years in college kag 4 years nga pangayuay,” dagdag pa niya.

Maraming netizens naman ang bumati kay Jechel kabilang na ang kanyang teacher.

Dinalaw naman niya ang puntod ng kanyang ina upang iparating ang magandang balita.

“May tubig nga nagbasa ka akun sapatos kag nagapanghawid nga mga balagun, pero pose gyapon. I know you’re happy of who we are and what we have achieved right now. How sad nga wra mo mn lng ja nawitness tanan. It has been 14 years since you’ve left but the fact that you have been a good, responsible, loving, and supportive mother, will always lived in our hearts.”

“Gusto ko ang masunod nga picture ko knimu, nakatiles dun ja, di dun maagyan ka tubig kag wara ti hilamon for that’s the least thing I can do aside from praying for you.”

Ang the best sa kanyang kuwento? ‘Yung hindi niya sinayang ang suporta at pagmamahal sa kanya ng kanyang mga kapatid! Bless you all!

Post a Comment

Previous Post Next Post