Bianca King excited na sa pagkakaroon ng anak: 'We will be the best parents'

Ibinunyag ng aktres na si Bianca King na malapit na silang maging magulang ng kanyang non-showbiz husband na si Ralph Wintle dahil buntis na siya ngayon sa kanilang unang anak.

Inanunsyo ng aktres ang kanyang pagdadalantao sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang baby bump sa kanyang Instagram page noong Agosto 20.

Sa larawan makikita na nakayakap sa likuran ni Bianca ang kanyang asawa habang hawak ang tiyan ng aktres.

“I lived my life exactly the way I wanted. Took my time and did everything I needed to do. When it was time for us chase the dream of becoming parents, we were ready as ever,” saad ng aktres sa kanyang IG.

Inamin ni Bianca na halos sumuko na siya sa pagsisikap na magkaroon ng baby at nabanggit na hindi madali ang karanasan dahil nasa mid-late 30s na rin siya.

“I mentally gave up and was about to do IVF (in vitro fertilization). But surprise! A natural miracle happened,” aniya sa kanyang mga fans.

Nagpapasalamat rin siya sa kanyang asawa. “I thank my beautiful husband for setting me on the path to becoming a mama.”

“We both feel confident that we will be the best parents. I hope our baby inherits his looks and athleticism but my personality and creativity, and our shared wit and wisdom,” dagdag pa niya.

Nakatanggap ang mag-asawa ng pagbati mula sa kapwa celebrities, kabilang ang aktres na si Carla Abellana at singer na si Ogie Alcasid.

Nagpakasal sina Bianca at Ralph, noong Hunyo 2021 at naninirahan na sila ngayon sa Australia, Sydney.

Si Ralph ay kapatid ni Ben Wintle, asawa ng aktres na si Iza Calzado, na kamakailan ay masayang ibinunyag sa publiko ang kanyang pagdadalantao.

Ang magbilas ay magkasunod na magkakaroon ng ‘little one.’ Cousins!

Basahin: Iza Calzado sa ika-40 kaarawan ibinunyag na nagdadalantao na; ‘Life does begin at 40’

“Life begins at 40”, aniya, at inamin na marami ang nakapila na ilang “exciting projects” bago nila nalaman ang tungkol sa kanyang pagdadalantao.

“I was ready to usher in this new chapter in my life. Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan,” masayang pagbabahagi ng aktres.

Post a Comment

Previous Post Next Post