Pinay single mom sa Norway hinahangaan sa pagiging Flight Attendant at Nurse

Para sa ikagaganda ng kinabukasan ng anak, gagawin ng magulang ang lahat para lang maitaguyod sila.

Isang Pinay sa Norway ang tinaguriang “super mom” dahil napagsasabay niya ang pagtatrabaho bilang flight attendant at nurse.

Sa panayam sa kanya ng ABS CBN ay ibinahagi niya kung gaano kahirap ang may dalawang trabaho para lamang mapabuti ang buhay ng kanyang anak.

Ang pagtatrabaho pa nga lang ng isa, lalo na ang pagiging flight attendant o nurse, ay maaaring maging napakahirap na. Paano kung may isa ka pang trabaho at mas mahirap pa?

Ngunit para kay Glaizel Cordova, isang Pinay sa Norway, isa itong pangarap na natupad.

Si Glaizel ay nagmula sa Ilocos Norte. Bata pa lang ay pangarap na niyang maging flight attendant, pero gusto rin niyang maging nurse lalo’t ito ang pangarap ng kanyang ina para sa kanya.

Natupad ang kanyang unang pangarap nang maging flight attendant siya sa Norwegian Airlines.

Ang nakahahanga ay siya lang ang Pinoy na nagtatrabaho bilang flight attendant sa nasabing airline.

Sa taong ito, nagawa rin niyang matupad ang kanyang pangalawang pangarap na trabaho matapos maging isang rehistradong nurse sa Norway.

Ipinaliwanag niya na mas mahirap maging nurse sa Norway dahil ang mga taong nagtatrabaho sa medical field o sa health care institutions ay kinakailangang marunong magsalita ng Norwegian.

Full time na nagtatrabaho si Glaizel bilang flight attendant ngunit nagtatrabaho din siya sa isang nursing home sa Oslo, Norway, sa kanyang day off.

Tulad ng maraming OFW, ang kanyang mga trabaho sa ibang bansa ay parehong biyaya at pakikibaka para kay Glaizel, ngunit kahit sobrang hirap ay hindi niya nagawang sumuko alang-alang sa kanyang anak.

“So ‘yung buhay ko sa abroad naman, ‘di naging madali. ‘Yung unang struggle ko is kailangan naming maghiwalay ng anak ko for almost 5 years,” aniya.

Nakamamangha at nakai-inspire na super mom talaga si Glaizel!

Post a Comment

Previous Post Next Post