Brod Pete nagretiro na sa showbiz pagkatapos ng 43 years: ‘Laos na po ako’

Inanunsyo ng komedyanteng si Herman Salvador, na kilala bilang si Brod Pete, na nagretiro na siya sa mundo ng showbiz kung saan siya ay naging bahagi sa loob ng 43 taon.

Inihayag ni Salvador ang tungkol sa kanyang pagreretiro at pati na rin ang bagong venture na kanyang pinagkakaabalahan, sa pamamagitan ng kanyang pag-post sa Facebook page niya nitong Agosto 3.

“Yes laos na po ako after 43 yrs sa showbiz as a writer and comedian. I’m now retired . Nakakasawa din. But i am launching my singing career fyi – to pursue my true love — music!” aniya

Sinubukan rin umano niya tumakbo at pumasok sa mundo ng pulitika sa Marikina ngunit hindi naman siya pinalad na manalo.

“Ive tried politics , mas nakakatawa kesa sa komedi ang politika. Di ako pinalad para konsehal- siguro dahil sinabe ko na – para mawala ang baha ipapasemento ko ang marikina river,” dagdag pa niya.

Sa kaniyang post sa huli ay sinabi niya na puwede siyang magturong magsulat ng comedy at playshop sa halagang isang libong piso batay sa kanyang mga dekada ng karanasan sa larangang ito.

“Btw- I am conducting an online comedy writing workshop/playshop! Sept 3 7pm- via zoom. 1k petot lang- 43 yrs of comedy writing in 3 plus hrs.” ayon pa sa kay Brod Pete.

Si Salvador ay nagbida sa maraming palabas sa TV, at isa na rito ang  “John en Marsha” (1973 hanggang 1990) na pinagbibidahan ng yumaong Nida Blanca at King of Comedy Dolphy.

Ginampanan ni Salvador ang hopeless suitor ng anak nina Dolphy at Nida sa show, ang veteran actress na si Maricel Soriano.

Nang maglaon, gumanap din si Salvador sa spinoff na “John En Shirley” (2006), “Lastikman” (2007) at ang 2003 na pelikulang “Mr. Mabait.” Nagsilbi siya bilang isang manunulat para sa 1990s hit comedy sitcom na “Home Along da Riles,” na pinagbidahan din ni Dolphy.

Mag-throwback tayo!

Post a Comment

Previous Post Next Post