Naantig ang mga netizen sa isang fast food crew na nakuhanan ng video habang sinusubuan ang isang customer na hirap nang kumain.
Ibinahagi ni Axel Mangabat sa TikTok ang video ng crew na nakilalang si Paz Borbon ng Mang Inasal EDSA Arayat. “Shoutout kay ateng crew ng Mang Inasal Cubao, pasensya na navideohan kita,” ani Axel sa kaniyang post.
Kalaunan ay ibinahagi naman ng Mang Inasal Philippines ang video at sinabing saludo sila kay Paz.

“Maraming salamat, Sir Axel for capturing and sharing this special Mang Inasal moment. Special shout-out to Ma’am Paz Borbon of Mang Inasal EDSA Arayat for going above and beyond for our customer. Saludo kami sa’yo Ma’am Paz,” sabi ng Mang Inasal sa isang post.
Samantala, ikinuwento naman ni Paz kung bakit siya nagdesisyong tulungan ang kaniyang customer.
“Simula mamatay papa ko at biyenan kung babae, nadudurog ang puso ko sa mga matatandang naghihirap,” panimula ni Paz. “Siya c tatay, hirap makakain halos di nya maisubo ang kanyang pagkain sa sobrang panginginig ng kanyang mga kamay.”

Dahil wala pang gaanong customer noon ay nagdesisyon siyang alalayan muna ang matanda. “Ninais kung ako na lang ang magpakain sa kanya habang wala pa kaming ga’nong customer..god bless sa customer na nag upload sa tiktok 336 views na sya. Thank you.”
Marami ang humanga kay Paz dahil sa kabutihang-loob niya.
[RELATED: Fastfood service crew earns admiration for regularly assisting old man in feeding himself]
Kamakailan lamang ay nag-viral din ang fast food crew na si Jofel Cheng na inalalayan sa pagkain ang isang lalaking na-stroke.

“Na-stroke na po kasi si Sir Richard kaya hindi na po talaga makapagsalita and hindi na niya po magalaw ‘yung kamay niya,” ani Jofel sa isang panayam sa Philippine Star.
“Nagmamalimos din po si Sir Richard ng pagkain dito, parang ipon po ‘ata niya kasi po ‘pag pinapakuha niya po ‘yung bayad niya sa bag niya, laging barya tag-bente lang po.”
Kudos sa mga katulad nilang crew. Service to the max!