Go for it! Magkakapatid nag-resign sa trabaho para magtayo ng kanya-kanyang negosyo

Marami ang sumusuong sa pagnenegosyo para makadiskarte matapos mawalan ng trabaho o mapagkakakitaan. Dahil sa hirap sa pagko-commute at sa kaakibat na gastos, ang iba naman ay sumusuko sa pinapasukang trabaho at sumusubok magnegosyo. Mayroon din namang nais habulin ang pinapangarap na negosyo lalo na kung ito ang kanilang passion.

Kabilang na diyan ang tatlong magkakapatid mula sa Paranaque na nagdesisyong magbitiw sa kanilang day job upang magsimula ng kanya-kanyang small business.

Ayon sa isang ‘The Philippine Star’ feature, sila ay kasalukuyang umuupa ng two-storey house na nagsisilbing office at studio para sa kanya-kanyang  negosyo.

Nagsimula ang kanilang business journey nang magbitiw sa trabaho ang panganay sa tatlong magkakapatid na si Jamaica Verceles mula sa kanyang trabaho noong Marso 2018.

Ang kanyang small business na Sticker shop o ‘Paperaica Shop’ ang kanyang passion kung saan siya mismo ang gumagawa ng sarili niyang stickers gamit lamang ang Ipad saka niya ito ipi-print upang ibenta ito online.

Matapos ang lakas-loob niyang pagbibitiw sa kanyang day job ay nagtuon siya sa kanyang small business na kalaunan ay talaga namang nakapagbigay din ng motibasyon sa dalawa pa niyang kapatid na babae.

Si Danice, ang bunso sa tatlo, ay nagpasiya na ring mag-focus sa kanyang pastry business na ‘Ciento Cookies’ matapos magtrabaho nang halos tatlong taon bilang HR officer.

Noong panahon ding iyon ay nangyari naman ang COVID-19.

Ipinatupad ng kumpanya ni Danice ang trabaho mula sa home setup. Sinubukan niyang hatiin ang kanyang oras sa dalawang trabaho- bilang isang baker at full time employee.

Hindi tulad ng dalawa pa niyang kapatid na babae, sinikap muna ni Janeeva na balansehin ang kanyang trabaho at ang kanyang small business na cosmetic shop na ‘Dear Self Beauty’ bago siya nagpasyang magbitiw sa kanyang regular na trabaho.

Ngunit  tulad ng mga nagsisimulang iba, hindi naging madali ang kanilang journey. Marami rin umanong ups and down bago nila nakamit ang narating nila ngayon.

Dahil sa kanilang tiyaga at sikap sa pagtatrabaho ay nasisiyahan na sila ngayon sa mga bunga ng kanilang pinasok na larangan.

Ang magkakapatid ay breadwinners na sa kanilang mga magulang at dalawa pang kapatid.

Payo ni Danice, “To the young individuals out there, after you have calculated the risks and you think na okay siya, p’wede siya, doable siya, but you’re still scared to try it, that’s when I will say, ‘go for it'”

“As crazy as it sounds, bago kayo mag-start, i-make sure niyo na talaga na it is something that you really really really really want to do,” payo naman ni Jamaica. Iba kasi pag may passion sa iyong pinapasok na negosyo. Sabi nga, ‘Do what you love!”

Panoorin ang feature video na ibinahagi ng PhilStar. Be inspired!

Post a Comment

Previous Post Next Post