Ivana Alawi ipinagdiwang ang 15 million subs sa YT, namigay ng food packages at cash

“Celebrate good times, come on!”

Dahil sa labis na saya namigay ang aktres na si Ivana Alawi ng libo-libong food packs, at may kasama pang cash sa bawat recipient bilang isang paraan ng pasasalamat sa kanyang mga fans sa patuloy na pagsuporta sa kanyang mga vlog.

Hindi lamang food packs ang kaniyang pinamigay kundi pati na rin ang kanyang paboritong pagkain – ang champorado – at cash sa bawat nakatanggap ng eco bag na may bigas at groceries.

Matapos maabot ang 15 milyong YouTube subscribers nitong Pebrero, sinabi ni Alawi na ngayon lang siya nagbabalik dahil hinintay niya munang lumipat nang maayos ang kanyang pamilya sa kanilang bagong bahay.

“Mamimigay ulit tayo ng blessings at i-she-share natin ang pagmamahal. Matagal ko na itong plinano at hinintay ko talaga na makalipat ako sa bagong bahay,” sabi ng aktres..

“It’s a good start sa aking paglipat na mag-share ng love kasi mas magaan sa bahay kapag lagi kang namimigay. Ise-celebrate natin ang pag-hit natin ng 15 million subscribers,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Alawi na nagdudulot sa kanya ng kagalakan na makapagbigay muli sa mga taong ginawang posible ang kanyang mga pangarap.

“Sobrang thank you sa inyo for watching and supporting us and loving us and subscribing to us. Sobrang blessed ako na nandiyan kayo. Super ibabalik namin lahat ng blessings na ibinibigay niyo sa amin, and also the love and support na ibinibigay niyo sa pamilya ko,” pasasalamat ni Alawi.

Sa nakalipas na taon, naging isa si Alawi sa pinakasikat na showbiz personalities-turned-YouTube stars,  katulad nina Alex Gonzaga at Donnalyn Bartolome.

Ang kanyang vlog ay nakapagpapasaya sa mga netizen tulad ng, “A Day In My Life” vlog at Q&A mukbang session, hanggang sa mga pranks sa kanyang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Unang nag-upload si Alawi ng kanyang vlog noong Agosto 2019.

Basahin: Ivana Skin, pangarap na natupad na; Ivana Alawi CEO na ng sarili niyang negosyo

Bukod sa pagiging artista at YouTube star, isa ring entrepreneur si Alawi. Kamakailan ay inilunsad niya ang kanyang sariling skincare brand, na ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel.

Panoorin, 15 MILLION SUBS CELEBRATION! | IVANA ALAWI;

Post a Comment

Previous Post Next Post