Single mom, naging lakas ang mga anak upang maka-survive sa mabigat na karamdaman

May mga pagkakataong makararamdam ka ng pag-iisa kahit akala mo’y nasanay ka na. Ganito marahil ang tinutukoy ng isang single mom na nakaraas ng matinding pagsubok sa buhay.

“Mga nakakasabay ko may dikit na asawa, ‘yung umaakay sa kanila. Maraming times na binibitbit ko ‘yung sarili ko mag-isa sa ospital,” malungkot na sabi ni Marie Karl ‘Kai’ Desamparado.

“Pero kasi ang thinking ko, umuwi ako with my family na may hope na, after nun gagaling na ako so para sa kanila na lang,” dagdag pa niya.

Ayon sa feature videeo ng ‘The Philippine Star,’ dati raw ay may healthy lifestyle si Kai, kasama na ang regular na pagpunta sa gym.

Sa kabila ng healthy lifestyle niya ay nakaranas umano si Kai ng pagkalagas ng buhok at nadagdagan ang kanyang timbang.

Kaya ang single mom na ito ay humarap sa pinakamalaking hamon sa kanyang buhay na nakaapekto hindi lamang sa kanya, kundi pati na rin sa kanyang tatlong anak, na sa oras na iyon ay pawang mga menor de edad.

Isang buwan bago mangyari ang pandemya ng COVID-19, na-diagnose siya na may stage 2 breast cancer.

Labis na nakaapekto ang nationwide lockdown sa kanyang health treatments.

Noong Oktubre 2020 naman ay umabot na sa stage 3 ang kanyang kanser. Bukod sa pisikal na sakit na kailangan niyang tiisin, naharap din si Kai sa financial issues.

Nagsimulang tumanggap ng mga treatmentsi Kai at inalis din sa kanya ang kaliwang dibdib noong Marso 2021.

Ngunit ang mga gamot at pamamaraan ay nagdulot ng pinsala sa kanyang pangkalahatang kagalingan.

Imbis na sumuko ay humugot na lamang ng lakas si Kai sa kanyang mga anak.

“Sa totoo lang masakit kasi supposedly at their age dapat ako ‘yung nag-aalaga sa kanila. I was really full of hope, ‘yung positivity ko ang taas talaga. Ako lang ‘yung meron sila and sila lang ‘yung meron ako.”

“Ito lang ‘yung only way and this is the only thing that I want, ‘yung gumaling.”

Kung hindi umano dahil sa kanyang pamilya ay sumuko na siya. Ngunit malakas ang kanyang support system; ang mga taong nagpapalakas sa kanyang loob na labanan ang pagsubok na ito. Survivor na ngayon si Kai at kasalukuyan siyang sumasailalim sa monitoring pagkatapos ng matagumpay na pagpapagamot.

Tunay na kahanga-hanga ang kanyang determinasyon na gumaling at magpatuloy sa kanyang pagiging ina.

Panoorin ang feature video niya na ibinahagi ng The Philippine Star:

Post a Comment

Previous Post Next Post