Ang actor, musician, singer, dancer, comedian at television host na si Billy Crawford ay may sweet na birthday message para sa kanyang asawang si Coleen Garcia na ngayon ay 30 taong gulang na.
Ika-24 ng Setyembre ang kaarawan ni Coleen, na Danielle Claudine Ortega Garcia-Crawford sa totoong buhay, ngunit huli man ay ninais pa rin ni Billy na ipahayag sa social media ang kanyang mensahe at pagpapahalaga sa kanyang esposa.

Sa larawan, makikitang parehong nakasuot ng sunglass sina Billy at Coleen na kuha sa Peruche Rooftop Bar sa Paris, France.
“Happy happy belated birthday to you my love!” saad ng aktor sa kanyang IG account. “You have been the best wife a man could ever ask for.”
Pagkatapos ay nagpasalamat si Billy kay Coleen sa pagsasakripisyo at pagbibigay nito ng lahat ng mayroon siya para sa kanilang pamilya.

Ayon kay Billy, na-appreciate niya ang mga sakripisyo ng kanyang better half at wala na itong hihilingin pa.
“Amari is also happy and thankful to have you as his mommy. He will grow up to be a fine young man cause of you,” aniya pa.
“I pray for more adventures, milestones and that you will always be guided by our Father in heaven. I love you so much,” dagdag pa niya.
Happy birthday, Coleen!
Ang mag-asawa ay ikinasal noong 2018, at ipinanganak naman si Amari noong Setyembre 2020.
Kasalukuyan silang nasa France pagkat si Billy ay kabilang sa mga celebrity contestants sa 12th edition ng Danse Avec Les Stars; ang French version ng dance competition na Dancing with the Stars.

Kamakailan ay inamin ng aktres ang tungkol sa kanyang pagiging ina at inamin na bagama’t nakatuon siya sa pagpapadede kay Amari, nakaka-“frustrate” at “draining” din umano ito minsan.
“Para sa akin, breastfeeding is really the most selfless thing I’ve ever had to do. It’s not just the act of lending your body for the entire two years pero hindi ako makaalis, I can’t go anywhere kasi hanggang ngayon gumigising-gising pa rin siya sa gabi,” aniya. “There are days na parang gusto ko na lang sumigaw in frustration and it’s very draining.”
Marami namang naka-relate at nakaunawa sa kanyang pahayag na dinaranas din umano ng maraming ina.